Celebrity Life

Lovely Abella, may panibagong career

By Bianca Geli

Ibinabahagi na ng All-Out Sundays star na si Lovely Abella ang kaniyang mga sikreto sa pagiging fit at toned.

Sa kaniyang online group na Lovely Fitness Squad, makikita ang pagiging mentor ni Lovely
sa mga nagnanais maging mas balingkinitan.


Makikitang sa loob ng tatlong linggo, naging mas fit ang mga tinuruan ni Lovely na sumunod sa kaniyang workout plan na kung tawagin ay HIIT (high-intensity interval training) pati na rin wastong pagkain. Maari itong gawin sa bahay habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Ani ni Lovely sa kaniyang Instagram, "Always trust the process, motivate yourself and eat healthy."

Maliban sa iba't ibang body workouts, mayroon ding ibinabahaging healthy meal tips si Lovely.





All-Out Sundays: Ruru Madrid, Lovely Abella, and Valeen Montenegro's home workout tips