Celebrity Life

Kakai Bautista, susubukang magbalik-alindog sa pamamagitan ng sayaw

By Marah Ruiz

Isa si Dental Diva Kakai Bautista sa mga nagdagdag ng timbang ngayong quarantine.

Aminado kasi siyang nagawa niyang libangan ang pagkain habang nananatili sa bahay.

Sa ngayon, susubukan daw niyang magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Isang throwback photo din niya ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account para magsilbing motivation niya sa pagwo-workout.

"Hey pohwz. Makikiraan lang. Pinapaalala ko lang po sa sarili ko na baka kaya kong maibalik ang 23 na waistline. Buhay baboy napo ang tita kakai nyo. I've been really lazy working out! So I started denzingst (dancing) again," sulat niya.

"ANG SARAP KASENG KUMAIN GUYSSSSSH!!!!!! Dibaaaaaaa?!! Huh! Ang yung body type ko pag di ako kumain lalo akong tunataba! Dati tagtag katawan ko sa sayaw everyday. Ngayon pagod ang panga ko sa kaka-ngasab!," dagdag pa niya.


Nagsimula na ring mag-post ng mga dance videos si Kakai sa kanyang Instagram account.

Sumayaw siya sa "Electric Youth" ni '80s teen idol Debbie Gibson.


Nag-back to the '90s din siya sa pagsayaw sa "Too Close" ng Next.


Inalala din siya ang clubbing scene sa pag-indak sa "Take You Down" ni Chris Brown.


Nag-throwback din siya sa kanyang paboritong dance group na Streetboys sa pagsayaw sa "The Sign" ng Ace of Base.


Sinayaw din niya ang isang dance contest favorite song na "Lick It" ng 20 Fingers feat. Roula.


Bukod sa mga dance videos, una nang nagbahagi si Kakai ng ilan sa kanyang mga song covers.