Celebrity Life

WATCH: King Badger's fat to fit journey sa loob ng 5 buwan

By Cherry Sun

Ginulat at pinahanga ni Jon Gutierrez, o mas kilala bilang King Badger ng Hiphop group na Ex Battalion, ang kanyang followers nang ibahagi niya ang kanyang fat to fit journey sa kanyang vlog.

Dahil sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan, hindi raw namalayan ni Jon na napabayaan na niya ang kanyang katawan at kalusugan. Aniya, inspirasyon daw niya si Jelai Andres upang simulan ang kanyang fitness transformation.

Nagsimula si Jon noong August 2020 nang hindi pa bukas ang karamihan ng gym dahil sa quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic. Diin din niya, para makamit ang kanyang inaasam na resulta ay pinagtuunan niya ng pansin hindi lamang ang kanyang workout ngunit pati na ang kanyang mga kinakain.

Bahagi ng kanyang isinulat sa kanyang Instagram account, “Sa totoo lang kailangan talaga mauna ang focus sa DIET bago sa EXERCISE. Sabi nga nila 30% Workout 70% Nutrition. I can lose fat even without cardio but since I have set a goal sa utak ko na mas gusto ko mabilis na progress, we have added cardio along with lifting weights para mas pulido.

“Syempre 'di magiging successful to kung walang diet kaya inayos ko talaga ang pag intake ko ng mga calories. We have estimated kung ilang calories and nabu-burn ko throughout my workouts and sa mga bagay bagay na ginagawa ko then we have computed the calories I needed to consume in order to burn FATS. Mas madami dapat ang calories ko na binuburn compare sa pinapasok na calories. So nag deficit ako sa calorie intake ko along with my training.”


Mula sa pag-eehersisyo sa kanyang bahay ay lumipat din si Jon sa pagwo-workout sa gym. Naging challenge daw para sa kanya ang kanyang dating ACL injury, ang pagbubukas ng ilang branches ng kanyang negosyo, at pati na ang ginawang lock-in taping ng Owe My Love.

Nasubok man, tinuloy-tuloy pa rin niya ang kanyang program. At matapos ang limang buwan ay nakita na niya ang resulta ng kanyang pagsusumikap.

Mapapansin sa kanyang mga litrato at video ang malaking transformation ng kanyang pangangatawan.

Wika niya, “I am still far from what I want. Hindi pa rin ito ang perfect body na gusto ko. I still want to be better sa fitness and gusto ko pa rin magka-six pack [abs] kasi hindi ko siya na-achieve. But, I am far from where I started which is a good thing. Bear in mind, I only did that in five months so possible kong ma-achieve if I do it for a year or 12 months.”

Pag-amin din ni Jon ay mas naunawaan na niya ang halaga ng kalusugan.

Dugtong niya, “So far, this is the hardest vlog I ever have to pull off. Sobrang hirap niya. Actually, the dieting part is medyo mabaliw-baliw ako pero kung kaya ko, ibig sabihin kaya niyo rin kasi pare-parehas lang naman tayong tao.

“Sobrang hirap niya talaga i-pull off like you can buy anything. Hindi sa pagmamayabang, I can buy almost anything I want for myself, in terms of material stuff but etong workout and fitness na 'to, na-realize ko na hindi mo kayang bilhin - ang magkaroon ng fit na katawan and maganda na katawan. Your money cannot do anything to give you a perfect six-pack [abs] unless it's fake.

“Kahit sobrang hirap neto, wala akong regrets or anything towards working out or towards fitness and towards being healthy. Siguro kung may regrets ako, ayun 'yung siguro hindi ko 'to na-start ng earlier. Kasi if I started this earlier, I would look a lot better than this. But happy ako sa narating ko. I am very happy kung nasaan ako ngayon. Hindi pa 'to 'yung body na gusto ko but happy na ako kung nasaan ako.”

Tingnan ang kanyang fitness journey sa gallery na ito:

Samantala, panoorin ang vlog ni King Badger: