
Ngayong quarantine season, marami ang nahihilig sa pagwo-workout para ma-achieve ang kani-kanilang fitness goals at maalagaan ng mabuti ang kalusugan.
Isa na rito sina Kapuso stars Klea Pineda at Jak Roberto na bibida sa nalalapit na mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Sa panayam ng Unang Hirit, tinanong ni Suzy Entrata-Abrera kung paano ba napapapanatili ng Kapuso actor ang kanyang abs.
Photo courtesy: GMA News (YouTube)
“Nagkataon lang po 'yon. Actually, yung sinasabi ko pong benefit itong quarantine, eh quarantine po noong taping namin kasi wala talagang gagawin kundi mag-workout and para mawala yung boredom kumbaga.
“So, noong time na 'yon nagkataon lang pero isa rin po ako sa guilty na nadadagdagan ang timbang ngayong quarantine,” pagbahagi ni Jak.
Ayon naman kay Klea, nagsimula na raw siya ngayong linggo dahil nararamdaman nito na nadadagdagan ang kanyang timbang.
Photo courtesy: GMA News (YouTube)
Aniya, “Actually this week nagstart na ako kasi na-fefeel ko na sa katawan ko na nadadagdagan na talaga yung weight ko. And siyempre nakaka-praning, nakaka-panic na 'Uy Klea, Ano na? Ano na ginagawa mo? Bakit parang tumataba ka na?' So, 'yon nag-effort na ako, nag-start na ako and yeah, getting well.”
Kitang-kita rin naman sa personal Instagram accounts ng dalawang Kapuso stars ang kanilang fit figures ngayong quarantine.
Samantala, mapapanood sina Klea at Jak sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye na ipapalabas sa October 18 sa GMA Afternoon Prime.
Kung naghahanap kayo ng fitness inspiration, tignan ang iba't ibang celebrity couples na committed sa kanilang fitness routines sa gallery na ito: