GMA Logo klea pineda and jak roberto
What's on TV

Klea Pineda at Jak Roberto, nagpasalamat sa isa't isa matapos ang 'Stories from the Heart: Never Say Goodbye' taping

By Dianne Mariano
Published September 14, 2021 2:17 PM PHT
Updated September 14, 2021 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

klea pineda and jak roberto


Taos-pusong pasasalamat ang handog nina Klea Pineda at Jak Roberto sa isa't isa matapos ang kanilang taping para sa panibagong drama mini-series

Ibinahagi nina Kapuso stars Klea Pineda at Jak Roberto ang pasasalamat nila sa isa't isa matapos ang last taping para sa upcoming drama mini-series na Stories from the Heart: Never Say Goodbye.

Ipinost ni Klea sa kanyang Instagram stories ang black and white na litrato nila ni Jak at ibinahagi ang pasasalamat niya para sa aktor.

“Ngayon lang tayo nagkasama at nagkatrabaho para sa isang soap at heavy drama pa! Ramdam ko na nagsusuportahan tayo sa bawat eksena natin, salamat!

“Akalain mo yun kinaya natin at naitawid natin itong project na 'to. Salamat, Jak! I appreciate you. @jakroberto,” pagbahagi ng aktres.

Photo courtesy kleapineda IG

Ni-repost ng aktor ang naturang litrato sa kanyang Instagram stories at pinasalamatan din si Klea dahil sa kanilang team effort.

“Eto na yata ang pinaka-challenging role na nagampanan ko! At di ako nahirapan dahil din sayo! Thanks also to you @kleapineda!!! Team effort talaga! Let's go #NeverSayGoodbye”

Photo courtesy jakroberto IG

Noong August 5, ikinuwento rin ni Jak na nagkasugat ang kanyang kamao dahil sa tindi ng eksena nila ni Klea.

Bukod kina Klea at Jak, kabilang rin sa upcoming drama mini-series na ito sina Lauren Young, Snooky Serna, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Luke Conde at iba pa.

Mapapanood ang Stories from the Heart: Never Say Goodbye, malapit na sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan ang glow up transformation ni Klea Pineda rito: