
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inalala ng aktres na si Jo Berry ang kaarawan ng namayapa niyang kapatid na si Perry Berry kahapon.
Makikita sa post ni Jo, ang larawan nila ng kaniyang Kuya Perry at ang isang cake katabi ang urn na pinaglalagyan ng mga labi ng kaniyang kapatid.
"Happy Birthday Kuya Jay!," caption ni Jo sa kaniyang post.
Hiling ng aktres na sana ay magkapatid pa rin sila ng kaniyang Kuya sa susunod na buhay.
Aniya, "Alam ko kasama sa wish mo today na magkapatid pa rin tayo sa susunod na buhay."
"Mahal na mahal kita!," dagdag pa niya.
Nagpahayag din ng pagbati ang co-stars ni Jo na sina Rodjun Cruz at Therese Malvar sa katatapos lang na Kapuso serye na Little Princess.
"Happy birthday Kuya @theperrygram in heaven," ani Rodjun.
"Happy Birthday po kay kuya! Gabayan niyo po lagi si ate Jo!," pagbati naman ni Therese.
Source: thejoberry (Instagram)
Samantala, balikan naman ang mga naging karakter ni Jo sa telebisyon sa gallery na ito.