Celebrity Life

Kim Domingo, ano ang sikreto sa weightloss journey?

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Kim Domingo ang kanyang diet bilang paghahanda sa Start-Up Ph.

Si Kim ay mapapanood sa Start-Up Ph bilang si Stephanie Rios, isang matalino, mayaman at sosyal na lawyer at designer.

Ayon kay Kim, nagdesisyon siyang mag-diet ngayong May.

Saad ng aktres, "Napansin ko na nag-gain ako nang sobra and para mas fit din sa akin 'yung role na Stephanie sa Start-Up Ph. Nag-start ako mag-diet this May. I'm happy na 2 weeks pa lang nakita ko na [ann] result."

Kwento pa ni Kim, hindi na siya kumakain ng rice ngayon bilang parte ng kanyang diet.

"No rice diet. Instead of rice, cauli flower rice kinakain ko, then iwas talaga sa sweets, green tea every after meal."

Sa diet na ito ay bumaba ang timbang ni Kim from 63 kg to 58 kg. Inamin ng aktres na diet lang muna ang kanyang ginagawa para magbawas ng timbang.

Saad ni Kim, "Itong diet ko now food pa lang. Hindi pa ako nakakapag-workout ulit but plano ko din ulit mag-workout.

Isa sa ibinahagi ni Kim ay ang challenge na hinarap niya sa kanyang weightloss journey. Pag-amin ng aktres, "Magana talaga ako kumain. Kapag wala ako paghahandaan, funny pero wala talaga ako disiplina sa food. But kung need ko talaga mag-diet, nandoon 'yung disiplina ko. So mahirap for me dahil mag-a-adjust ka talaga."

Paliwanag pa ni Kim, "Before hindi ko kino-control yung kinakain ko, but now kontrolado talaga. Minsan natatakam ako kumain ng mga bawal pero dahil kailangan ko siyang gawin, pigil talaga."

Masaya si Kim sa resulta ng kanyang diet at marami rin daw ang nakapansin na mas maganda ang kanyang figure ngayon.

"I am very happy sa result. Happy din ako sa comments ng iba. Nagustuhan nila yung pagkapayat ko now. Tamang-tama lang daw siya."

Ayon kay Kim ay kuntento na raw siya ngayon sa kanyang timbang. Aniya, "I think okay na ako sa ganitong weight, i-maintain ko na lang. I don't like din na super payat ako.

"Nagawa ko na siya before, hindi din nagustuhan ng family and friends ko. For me na-achieve ko na 'yung goal weight ko ngayon."

Sa mga sexy celebrities, ang peg raw ni Kim ay ang figure ni Jennifer Lopez o J.Lo. Paliwanag ng aktres, "At 52 nakaka-amaze na na-maintain niya 'yung body nya. Kahit fit sya, nandoon pa din 'yung curves niya. Super sexy niya."

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Kim sa isang photoshoot sa gallery na ito: