Celebrity Life

WATCH: Food tripping nina Barbie Forteza, Jak Roberto at Sanya Lopez sa Osaka, Japan!

Isang masarap na food tripping ang hatid nina Barbie Forteza at 'Bida-bida Sibs' Jak Roberto, at Sanya Lopez sa bagong vlog na uploaded sa YouTube channel ni Barbie.

Sanya Lopez, Barbie Forteza, at Jak Roberto

Sa nasabing video ipinakita ng tatlo ang masasarap na Japanese delicacies na pinagsaluhan nila pagkatapos nilang mag-land sa Osaka, Japan.

IN PHOTOS: Sanya Lopez, Jak Roberto and Barbie Forteza's trip to Japan

Ang una sa kanilang listahan ay ang famous Ichiran Ramen sa Dotonburi kung saan napapila pa ang tatlo dahil sa sobrang daming kumakain sa restaurant.

Pabirong reklamo ni Barbie, “'Yung gutom na gutom ka na, connecting flight ka, tapos iintindi ka ng hapon, tapos oorder ka sa machine, tapos aakyat ka ng three flights of stairs….hay.”

Sagot naman ni Jak, “Ganun talaga, kailangan mong paghirapan bago mo i-enjoy. Worth it naman.”

Sulit nga naman ang kanilang pag-hihintay nang makita at kainin ang ramen na may kasama pang side dishes at hard-boiled egg.


Isa pa sa kanilang kinainan ay ang isang stall sa Dotonburi kung saan kumain sila ng Kobe Beef.

Pahayag ni Sanya, “It melts in your mouth!”


Panoorin ang buong vlog ni Barbie at silipin ang mga mouth-watering dishes na kinain nila sa video na ito:

IN PHOTOS: All the delectable foods Jak Roberto, Barbie Forteza, and Sanya Lopez ate in Japan