Masaya ang night life sa mga gimikang pag-aari ng mga celeb.
Ang The Armory ay isang bar sa Congressional Avenue sa Quezon City.
Isa sa mga co-owners nito ay si Kapuso actor Martin del Rosario.
Sa Kapitolyo matatagpuan ang Skinita Street Foodz.
Co-owner dito si Sancho Delas Alas.
Isang insitusyon na sa larangan ng stand up comedy sa Pilipinas ang Zirkoh at Klownz.
Isa sa mga co-owners nito ang isa sa mga primerang Pinoy comedians na si Allan K.
Ang Cable Car ay may mga branches sa Makati, Tomas Morato, BGC, Ortigas at Iloilo.
Isa sa mga part owners nito ay si Kapuso actress Lovi Poe.
Bukod sa pagkain at cocktails, madalas ding may tugutgan sa The Stockpile.
Ang mag-pinsang sina Gabby Eigenmann at Geoff Eigenmann ang owners ng The Stockpile.
Isang lugar para sa mga banda at mahilig sa tugtugan ang 12 Monkeys Music Hall and Pub.
Labindalawa ang magkakasosyo rito. Ilan sa kanila ay sina Chito Miranda, Champ Lui Pio at DJ Tony Toni.
Nasa top floor ng isang residential condominium building ang lounge at restaurant na 71 Gramercy.
Ilan sa celebrity part owners nito ay sina Tim Yap, Raymond Gutierrez at Fabio Ide.