Ipinakita ni Carmina Villarroel kung paano gawin ang fishball sauce na karaniwang natitikman mula sa street food vendors.
Isang recipe ng fish ball sauce ang bagong video upload ni Carmina Villarroel sa kanyang YouTube channel!
Sa episode na ito ay ibinahagi ni Carmina na nakakita umano siya ng recipe online kung paano gawin ang fishball sauce.
"I will be making, cooking, fishball sauce. 'Yung sauce ni manong, 'yung kinalakihan natin. 'Yun! 'Yun ang gagawin ko po para sa inyong lahat today." Excited na sabi ng Sarap, 'Di Ba? host.
Kuwento pa niya ay nakita niya ito sa Facebook at naisipan niyang gayahin dahil sa comments na nabasa niya.
"I saw this recipe sa Facebook... I reposted it tapos pag-repost ko nito sa Facebook nakita ko ang daming nag-comment sa akin na sobrang kalasa daw nung fishball sauce ni manong. 'Yung kinalakihan nila. Even 'yung mga nasa ibang bansa sobrang lasang-lasa daw talaga nung fishball sauce ni manong."
Dugtong pa ni Carmina, "I just want to try, na-curious ako. Tamang-tama may fishballs ako ngayon at mapapakain kami ng fishballs so I decided to make the sauce."
Pagkatapos niyang gawin ang sauce na ito, hindi napigilan ni Carmina ang kanyang tuwa nang matikman ang recipe.
"Totoo nga 'yung nabasa ko sa comments... parang nga sauce ni manong na kinalakihan natin!"
Dugtong pa niya, naalala niya ang kanyang kabataan.
"It brings back my childhood memories. Dati po noong grade school ako, nauubos po yung baon ko sa fishballs."
Nagpasalamat rin si Carmina sa mga sumuporta sa kanyang mga vlogs sa YouTube.
Saad ng Kapuso star, "Thank you po for your support. Thank you for subscribing and also for liking my videos and posts."
Si Carmina ay ibinahagi na siya ay magiging isa na ring YouTuber nito lamang July .