
Sa recent episode ng Pera Paraan, ipinakita ang iba't ibang putahe na maaring lutuin gamit ang mushrooms o kabute. Tulad ng mushroom chips, mushroom bagoong, at mushroom meat. Saktong sakto pangpalit ito sa karne na nagmahal simula ng pandemya.
Habang nasa P400 per kilo ang karneng baboy, ang mushrooms ay nasa P200 per kilo lamang.
Dahil nagmamahalan ang presyo ng karne, sinubukan ni Lovely Ros Paniterce na gumawa ng iba't ibang pagkain na gawa sa mushroom bilang alternatibo.
Kuwento ni Lovely Ros Paniterce sa Pera Paraan, "Nag-start po siya sa idea ng tito ko, nagtatrabaho po siya sa isang mushroom farm before. Napansin namin na maganda palang alternative ang mushroom sa meat. Konti pa lang ang nag-bi-business ng mushrooms, so we decided na i-try.
March 2020 nang simulan ni Lovely ang kaniyang mushroom business gamit ang puhunan na P50,000. Dahil sa naganap na quarantine measures nahirapan magbenta si Lovely ng mga mushrooms at nalugi dahil nabulok lang ang mga ito.
Aniya, "Nahirapan po talaga kami. Nabubulukan po kami ng fresh [mushrooms] kasi hindi po namin ma-dispatch o mabenta sa market."
Kalaunan ay naisipan ni Lovely na gawing online ang pagbebenta ng mga produkto. Sa ngayon, kumikita na ng mahigit kumulang ng P40,000 si Lovely mula sa negosyo. Mas napalago niya na rin ang kaniyang mushroom farm.
Panoorin kung paano siya nakabangon sa pagkalugi sa negosyo at ang mga patok na mushroom dishes pampalit sa karne sa Pera Paraan
Catch the latest episodes of Pera Paraan every Wednesday at 8:30 PM on GTV, hosted by Susan Enriquez and Mark Salazar. #PeraParaan
Panoorin:
Related content:
Businesses that started from a love story featured in 'Pera Paraan'