Celebrity Life

'Emily in Paris' inspired food truck, tampok sa 'In Real Life'

By Bianca Geli

Instagrammable food truck sa Metro Manila ba ang bet mong subukan? Sagot ng In Real Life ang trip niyo kasama si Gabbi Garcia.

Agaw atensyon talaga ang "Emily in Pares," isang food truck sa Las Piñas.

"Para sa mga mahilig sa Netflix, nakakaengganyo itong food truck kasi based siya sa Emily in Paris at very unusual siya," kwento ng isang customer.

Nagsimula lamang bilang isang maliit na food stall ito noong November 2020. Nang lumaki ang kita, ginawa na itong food truck na base sa Emily in Paris.

Kahit na sosyalin ang palabas na naging inspirasyon nito, ang Emily in Pares food truck ay swak na swak sa budget at panlasa ng mga Pinoy.

Ang kanilang Beef Tendon Mami at Beef Tendon Papaitan ay nasa 70 pesos lamang. Meron din silang Sisig Tokwa at Hot Mami. Ang bestseller nilang pares with rice ay kombinasyon ng Filipino rice at Chinese noodles kaya may kakaibang twist.

Ayon kay Chef Kim Castillo, General Manage ng Emily in Pares, target market nila ang mga Pinoy na kailangan ng mabilisang makakain habang nasa kalagitnaan ng byahe. "Marami kasi ditong mga dumadaan na mga nag-co-commute. Perfect ito sa mga gustong kumain bago pumasok sa trabaho."

Layunin rin ni Chef Kim Castillo na makapagbigay tulong sa mga empleyado niya at ibang mga Pilipino na nakakaranas ng hirap dulot ng pandemya. "We're now expanding, and we hope to give jobs to more people."

Tiyak na walang ka-pares sa sarap ang food trip sa In Real Life. Panoorin ang ibang food adventures ni Gabbi Garcia sa In Real Life: