Celebrity Life

Yasmien Kurdi reveals diet secrets and her 'fitspiration'



Isa sa mga nakaka-inspire na celebrities pagdating sa pagkakaroon ng slim figure ang Rhodora X actress na si Yasmien Kurdi. Ano nga ba ang kanyang diet secrets para mapanatiling fit ang kanyang katawan?

Para kay Yasmien, importante ang pagbawas ng pagkain at pag-exercise para magkaroon ng slim figure. Aniya, “Kailangan mong i-lessen ang carbohydrates especially kung tabain ka. You should always exercise, run. Kunyari makapag-3k ka man lang every other day or makapag 5k ka man lang. So okay na 'yun at least mapawisan ka lang”.

Isa rin si Yasmien sa mga artistang nakapagpatunay na ang juice cleanse ay mabuti para sa katawan. Kaya’t isa ito sa kanyang mga ginagawa para mapanatiling healthy ang kanyang diet.

“Try to cleanse once in a while para sa lahat ng kinakain mong fatty foods kasi siyempre hindi naman natin maiiwasan. Siyempre kakain tayo kasi masarap ang lechon, masarap ganito, ang ganun. So kailangan lang talaga na magcleanse tayo once in a while,” saad ng aktres.

Tulad ng iba, may ‘fitspiration’ rin si Yasmien, at ito ay ang kanyang kaibigan na si Jennylyn Mercado. Kuwento ni Yasmien, “sa totoo lang, nakaka-inspire si Jennylyn. Grabe kahit walang tulog ‘yun tatakbo pa ‘yun. Talagang dedicated siya sa pagiging fit niya and all”.

Abangan si Yasmien Kurdi sa Rhodora X, Monday to Friday pagkatapos ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

Para sa iba pang updates mula kay Yasmien Kurdi at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com