Celebrity Life

Sharon Cuneta, stress-related ang pagpayat

By Nherz Almo

Kapansin-pansin ang laki ng ipinayat ni Sharon Cuneta nang humarap siya kamakailan sa entertainment media para sa press conference ng "Dear Heart" concert.

Nilinaw ni Megastar na hindi niya sinadyang magpapayat para sa naturang reunion concert nila ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

“Hindi ako nagpapayat para sa concert na 'to. Nag-umpisa akong pumayat, hindi pa namin sure kung magagawa namin ang concert na 'to. Nagkataon na rin talaga,” sabi ni Sharon.

Nabanggit niya na stress ang pinakadahilan ng kaniyang pagpapayat nitong mga huling buwan.

“Hindi ako nagdiyeta,” diin ni Sharon.

“Alam ng lahat ng mga kasama ko sa set, sa mga kasama ko sa araw-araw, 'yung mga pamilya ko. 'Yung pagkain nila 'yung kakainin ko, pero naggaganyan 'yung heart ko na… Parang gusto ko pang kumain, pero ayaw na ng isip ko at puso ko ang kumain kasi may nagba-bother sa akin, na nahu-hurt ako.”

Kasunod nito ay tumanggi na siyang magbigay pa ng anumang detalye tungkol sa dahilan ng kaniyang stress.

Sa ngayon, sinusubukan na lang daw ni Sharon i-maintain ang kaniyang kasalukuyang timbang o kung kakayanin pa ay maabot ang kayang weight goal.

“Inalagaan ko na ngayon na hindi na ako masyadong stressed. You can eat everything, but everything in moderation. I don't deprive myself.

“Pero sa dami ng iniisip ko at ginagawa ko, hindi ako yung… Mayroon kasi na kapag nai-stress ako, kailangan ngumunguya ako. Ha-ha! Ngayon, naglalaro na lang ako ng Bejeweled o kaya Wordscape o kaya Crossword Puzzle o manonood ako ng K-drama.”

Sharon's regret

Isa pang nilinaw ni Sharon na hindi nangyari ang pagpayat niya agad-agad. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang sinusubukan ng singer-actress ang magbawas ng timbang.

Sa press conference, proud na sinabi ni Megastar na, “Seven years po 'yan, hindi overnight. Pero sa tulong din ni Doc Aivee [Teo].”

Pagkatapos ay sinabi niya na gusto niyang maabot ang dati niyang timbang nang gawin niya ang pelikulang Maging Sino Ka Man noong 1991.

“I still have some weight to go. I wanna go back to my figure in 'Maging Sino Ka Man,' that's a few more pounds. But I've lost more than a hundred over seven years,” sabi ni Sharon.

Pag-alala pa niya, “I was 118 [pounds] noong 'Maging [Sino Ka Man],' My thinnest was in 'Pasan Ko ang Daigdig' [1987] kasi naghiwalay kami noon then, nagshu-shoot ako sa Smokey Mountain. I was 109 lbs with a 23-inch waistline and I'm a 5'6” so… Now, I just wanna go to 120 or 125 lbs, okay na 'yun. Konti na lang 'yun. I came from 240 [pounds] something.”

Sa ngayon, hindi pa itinuturing ni Sharon na “best”ang kasalukuyan niyang figure.

“Not pa my best, but better,” aniya.

Sa katunayan, nanghihinayang daw siya na hindi niya sinimulan ang pagbabawas ng timbang nang mas maaga.

Pahayag ni Megastar, “I regret that I didn't diet earlier. I feel that I lost so many years na hindi ako nakapagbihis ng gusto ko. Now, parang I'm excited to dress up again. Although I'm a very simple person, you all know that. I'm always in jeans or yoga pants and just a hoodie or a shirt.

“I'm not vain. But when I have to dress up--I call it my artista mode, 'Uy mukhang artista!'--that I like to look really good. I feel like I lost a whole decade. So, when I made a decision, at 50, to live healthier and to be presentable to my Sharonians and to all of you…

“You know, this is a business based on [looks]. We'd like to be aspirational and there are ways. We have to keep looking like artistas.”

Sa huli, sinabi ni Sharon na main concern niya ngayon ay ang mapangalagaan ang kaniyang kalusugan.

“SI just regret that I didn't start dieting sooner. But better late than never. But mainly, the reason is because of my health,” pagtatapos niya.