
Pagkatapos ng mahigit isang dekada, ngayong araw na matutuloy ang plinanong procedure ng Kapuso star na si David Licauco para sa kaniyang sleep apnea.
Noon pa gusto ni David na ipagamot ang kaniyang karamdaman. Matatandaang binanggit pa niya ito sa dating exclusive interview ng GMA Integrated News noong September 2023.
"Actually, gusto ko na magpaopera after this show. So hopefully, I find the time na magawa ko 'yun," sabi ng aktor.
Na-diagnose si David na may sleep apnea noong 16 years old siya kung saan tumitigil ang kaniyang paghinga habang natutulog.
Dahil nais niyang maayos ang kaniyang karamdaman, dadaan si David sa isang radio frequency procedure.
Sa kaniyang panayam kasama si Nelson Canlas para sa 24 Oras, binanggit ng aktor na ang kaniyang preparasyon para sa nasabing procedure ay dasal at tiwala sa diyos.
Maliban sa kaniyang kalusugan, nais din ng aktor na sumailalim sa procedure para ma-improve niya ang kaniyang sarili.
"I also wanna improve myself kasi I do agree because of my sleep apnea parang iniisip ng mga tao mataray ako, suplado, but actually talagang may nafe-feel ako sa umaga na bigat," sabi niya.
Tungkol sa pagiging suplado, kamakailan lang maraming napakwestyon sa Kapuso star kung siya ba ay talagang mataray sa isang social post ng isang fan.
Pero paliwanag ni David, may sakit kasi siya noon dahil sa matinding pagbago ng temperatura ng kaniyang katawan.
Pagkatapos kasi ng malamig na klima sa Canada, Napapaso naman sa init si David pagkauwi niya ng Pilipinas.
Pero kahit ganun pa man, kailangan pa rin niyang gawin ang kaniyang trabaho at iba pang mga commitments.
Sabi ng aktor, "And that time 'yan 'yung peak na naramdaman ko 'yung sakit ko. Naalala ko hindi ako makapagsalita dahil yung phlegm ko, 'yung colds ko nandito lahat (sa dibdib). Tapos sinisipon ako, nilalagnat ako. So syempre, kahit sino siguro na kapag may sakit ka eh medyo wala ka sa mood. At on top of that, 1 a.m. na rin na 'yun."
Bumabawi naman si David sa kaniyang mga fans. Katulad ng kanilang bonding sa isang special screening ng kaniyang pelikula na G!LU. Alam din ng Kapuso star sa sarili niya na siya ang nasa mali sa nangyari. Kaya pinapangako niya sa lahat na mas magiging mabuti siya sa susunod.
"You know no excuses, I think I should have been more considerate siguro of the fans. I'll be better. I mean at the end of the day hindi naman alam na may sakit ako and for me to, you know, hurt their feelings at that moment. I take full responsibility."
Sinisguro rin ni David sa lahat na siya pa rin ang dating minahal nilang aktor.
Samantala, excited na ang Pambansang Ginoo sa kanilang upcoming historical-action drama na Pulang Araw.
Nais na niyang makita ng kanilang fans ang palabas at mapanood siya kasama sina Alden Richards, Sanya Lopez, at Barbie Forteza.
"I'm super excited na mapanood ng fans dahil alam mo iyon pinaghirapan namin ito. Can't wait to be seen also with Sanya and Alden and of course si Barbie. Super excited ako doon."
Related gallery: Here are some interesting facts about David Licauco if you're a new
fan