GMA Logo luis manzano
Celebrity Life

Luis Manzano, kinailangang magpa-biopsy dahil sa lumaking 'nunal' sa kanyang ulo

By Aimee Anoc
Published May 5, 2024 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

luis manzano


Alamin ang naging resulta sa ginawang biopsy kay Luis Manzano rito:

Para makasigurado kung ano talaga ang tila lumalaking "nunal" sa kanyang ulo, sinunod ni Luis Manzano ang payo sa kanya ng surgeon na ipa-biopsy ito.

Ayon kay Luis, napansin ng kanyang hair stylist na parang lumaki ang nunal sa kanyang ulo. Dahil dito, napaisip si Luis at agad na ipina-check ito sa isang dermatologist.

"Medyo iba nga kung may mga lumalaki na nunal, mga marks na ganyan. Parang isa sa mga puwede ay melanoma, parang it could be skin cancer. Kasi, kadalasan 'yung mga nunal na suspected for whatever--kita mo 'yan sa kamay, sa mukha, puwedeng sa likod--na nakikita mong nagkakaroon ng ibang growth, ibang color. So sabi ko, malay ko ba kung anong nangyayari rito pala sa taas," sabi ni Luis.

Base sa naging konsulta niya sa dermatologist, mukhang okay naman daw ito. Pero para makasiguro, iminungkahi sa kanya na ipakonsulta na rin ito sa isang surgeon.

Nang ipakonsulta ito ni Luis sa surgeon, pareho lamang din ang sinabi sa kanya na "it looks okay." Pero para makasigurong safe, iminungkahi ng surgeon sa kanya na ipa-biopsy ito.

Aniya, "Hindi araw-araw kasi na naririnig mo 'yung salitang biopsy. Kahit na nandoon pa rin 'yung sinasabi nila na 'mukha namang wala,' pero 'yung the fact lang na parang never mong naiisip na pagdaraanan mo 'yun. Kasi, if sabihin mo bigla na may kailangan kang i-biopsy, kahit sabihin mo na precautionary lang, kahit sabihin mo just to be sure, parang puwedeng cancer comes to mind o ano man.

"Ang cancer kasi it's one of those things na kahit sa kalaban mo, hindi mo iwi-wish 'yun. Ang dami kong mga kakilala na, unfortunately, nadali na ng cancer. And you see na it's very life-changing para sa kanila. So, even if nandoon 'yung reassurance pa rin na sinasabi nila na wala 'yan, precautionary 'yan, pero the fact lang na may .000001."

Hindi rin muna ipinaalam ni Luis sa kanyang inang si Vilma Santos na kailangan n'yang magpa-biopsy dahil alam niya na sobrang mag-aalala ito sa kanya. Aniya, tanging ang asawa lamang na si Jessy Mendiola at ang mga kasama sa bahay ang nakakaalam.

Mag-isang sumailalim sa operation si Luis kung saan tinanggal ang lump na ito sa kanyang ulo para masuri.

Matapos ang isang linggo, lumabas na ang resulta ng biopsy at sinabi sa kanya ng doktor na mukhang okay naman ito pero kinakailangan n'ya pa ng additional test sa blood (immunohistochemistry).

"Sabi n'ya, 'So far it looks okay pero may kailangan lang idagdag na blood test para makasiguro talaga na hindi problema ito," lahad ni Luis.

Nang makuha ang result, "benign," clear ang naging resulta sa pagsusuri sa tinanggal na lump sa ulo ni Luis.

Panoorin ang pagpapa-biopsy ni Luis Manzano sa video na ito:

KILALANIN ANG ANAK NI LUIS MANZANO NA SI ROSIE SA GALLERY NA ITO: