IN PHOTOS: Celebrities who went abroad to get vaccinated

Parami nang parami ang mga nababakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa vaccination protocols, kabilang sa mga sektor na dapat maunahang mabakunahan ang healthcare workers, seniors, at persons with comorbidities.
Kabilang sa mga nabanggit na kategorya ang ilang celebrities gaya nina Willie Revillame, Mark Anthony Fernandez, Ogie Diaz, Christopher de Leon, Gloria Diaz, at marami pang iba na tumanggap na ng kanilang bakuna.
Dahil sa kasalukuyan ay limitado pa rin ang mga bakuna, ilang celebrities ang nagpasyang magtungo sa ibang bansa para roon magpakabuna.





