Celebrity Life

EXCLUSIVE: Golden Cañedo reveals secret to her beautiful voice

Interview by CHERRY SUN | Text by BIANCA GELI

Wala mang formal training, may sariling paraan si Studio 7 singer Golden Cañedo para manatili ang timbre ng kaniyang “golden” voice.

Golden Cañedo


Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Umiiwas po ako sa mga malamig na tubig at mga matatamis, at ayoko ko rin po talaga sa matatamis.”

Sa murang edad na 17, maagang namulat sa pagiging disiplinado si Golden. Isa raw ito sa kailangan para manatili ang kalidad ng boses niya.

“Disiplina lang po talaga. Kasi may mga nakikilala na po akong singers sa amin na, 'Uminom ka niyan, okay lang 'yan nandiyan pa rin 'yung boses mo.'”

Iniiwasan din daw ni Golden na maging kampante matapos tanghalin na The Clash grand champion.

"Hindi porke't nanalo na ako, okay lang 'yun. Hindi po ako nagpapabaya. Kung ano po 'yung disiplina ko noon 'yun pa rin.”

IN PHOTOS: Golden Cañedo's inspiring transformation

Tuwing nanghihina na raw ang kaniyang boses at vocal chords, nagpapahinga raw siya o nagpapa-konsulta sa doctor saka nagsasanay muli sa pagkanta.

“Iniisip ko talaga, kung hindi ko po talaga kaya nagpapahinga po ako. Kapag masakit na po talaga lalamunan ko pupunta na po ako ng doctor.

"'Yung boses ko po, hindi ko naman hahayaan na maapektuhan kapag may nafi-feel po ako sa boses ko na iba, may first aid naman po ako."

ALAMIN: Istorya tungkol sa bagong single ni Golden Cañedo na "Tayo Pa Rin"

Ang tinatawag niyang first-aid para sa nanghihinang boses, pagkanta ng matataas na nota.

“Kumakanta po ako ng mga kanta ko noon na sobrang mataas nagko-concert po ako sa bahay namin parang warm up po.

“Hindi po ako kumportable na hindi ako makakanta ng isang week, na hindi ako mag-concert sa bahay. Kahit sinasabihan kami na maingay,” dagdag niya.

Iniiwasan din daw ni Golden ang pag-inom ng luya at mainit na tubig kahit pinaniniwalang maganda ito para sa boses ng marami.

“Maganda raw 'yung luya, mas makakabirit ka raw, so nag-take ako, pero inubo po ako. Hindi po ako hiyang. Ayoko rin ng maainit ng tubig gusto ko po maligamgam lang, hindi po ako hiyang sa mainit,” pagtatapos ni Golden.