Celebrity Life

Pauleen Luna, nagpaliwanag kung bakit hindi pa nakakapagsalita si Baby Tali

By Aedrianne Acar

Sinagot ng Eat Bulaga host Pauleen Luna ang tanong ng isang netizen patungkol sa anak niya na si Baby Tali.

WATCH: Baby Tali Sotto speaks "Dada"

Makikita sa comment section ng Instagram page ni Pauleen ang tanong ng isang netizen kung bakit hindi pa nakakapagsalita si Baby Tali. Ipinanganak ng celebrity mom si Tali noong November 2017 na unang niyang anak sa mister na si Bossing Vic Sotto.

Ayon kay Mrs. Sotto, wala siyang nakikitang problema sa speech development ng kanilang prinsesa.

Ani Pauleen, “Wala namang metro na naghihintay, let her take her time.

“And besides, this little baby knows most of the letters in the alphabet, can count 1-13 and can identify with animal names and sounds.

“We are so proud of whatever she can do at this age. Relax ka lang.”