Celebrity Life

Antoinette Taus, ibinahagi ang kanyang pinagdaanang depression

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Antoinette Taus kung paano niya hinarap ang kanyang depression nang pumanaw ang kanyang ina.

Sa kanyang pagbisita sa Amazing Earth, ikinuwento niya ang buong detalye ng pinagdaanang depression kay Dingdong Dantes. Dito rin ibinahagi ni Antoinette kung paano ito naging daan sa kanyang pagsisimula ng kanyang advocacy para sa kalikasan.

Pagsisimula ni Antoinette, "I actually lived in the States siguro almost nasa 15 years. Pabalik-balik rin 'yun, marami ring taon na nasa Pilipinas in between. Noong nagkasakit si mommy, mas nagkaroon ng reason to stay there longer. I feel like nagtuloy-tuloy na siya into my journey, into depression. For a very long time after na mawala si mommy."

Dagdag pa ni Antoinette ay umabot siya sa point kung saan iniisip niya na ang kanyang purpose sa mundo.

"Mga 10 years after my mom passed away. Marami kasing phases 'yan when may pinagdadaanan kang depression or any mental health issue, anxiety, stress. Dumating talaga sa point na kinu-question ko 'yung existence ko. Mahilig akong kumanta, mahilig ako sa arts, umarte, doing different things, being with my friends and family. Pero kahit kasama ko sila or kahit ginagawa ko 'yung mga dating paborito kong bagay na mahilig ako o masaya ako dating gawin, biglang hindi na. Parang everyday, empty feeling."

Ibinahagi rin ni Antoinette na sa kanyang depression nakaisip siya ng purpose.

"'Yung years na 'yun, tinatawag ko silang my glory days. Naniniwala talaga ako na 'pag madami tayong pinagdaanan, madami din tayong natututunan. Parati kong tina-try na sabihin talaga sa mga tao na ang pain, ang masasakit na bagay, these are the things na puwede nating magamit para maging stronger. We can use it to power, and turn it into purpose somehow."

Nagkaroon din umano ng realization si Antoinette sa kanyang pinagdadaanan.

"'Yun na 'yung bini-blame ko rin 'yung sarili ko na parang teka lang. Kung ikaw nga nawalan ka ng minamahal mo sa buhay, na normal naman yun, nangyayari naman 'yun sa lahat ng tao. Bakit mo 'to ginagawa sa sarili mo; mas marami pang nangyayari sa mundo."

Nilinaw naman ni Antoinette na kahit ano pang nararamdaman ng isang tao, ito ay true and valid.

"Siyempre that's something we never emphasize kasi 'pag nararamdaman, when you have a feeling, it's real, it's true, it's valid."

"But that made me think what's happening elsewhere in the world. 'Yung mga walang natitirahan, walang pagkain, mga victims of abuse, oppression, injustice. I was thinking to myself kung ako, 'yun 'yung pain ko, what more sila? What more all these people in the world na maraming pinagdadaanan?"

Antoinette Taus, ibinahagi kung paano nakatulong ang volunteerism sa depression | Ep. 76