Celebrity Life

Diva Montelaba, naniniwalang sa grocery run nakuha ang COVID-19

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni StarStruck alumna Diva Montelaba na naniniwala siyang nakuha niya ang coronavirus disease (COVID-19) habang naggo-grocery.

Sa report ng 24 Oras, inihayag ng COVID-19 survivor na malaki ang tiyansang hindi siya maayos na nag-sanitize ng kanyang katawan matapos niyang lumabas para mag-grocery.

Source: imdivamontelaba (IG)

“I strongly believe na sa grocery ko siya nakuha. That day siguro medyo nag-petiks ako sa pag-sanitize right after mag-grocery.

"Madalas ako humawak sa face ko, so maybe that's why,” aniya.

Inilahad din ni Diva na naging maagap siya nang makaramdam ng sintomas ng sakit.

“The same day when I had sipon, umalis agad ako ng bahay.

"I checked into a quarantine facility already.

"I called my doctor and siya 'yung nag-push sa akin na mag-isolate na away from the family,” dagdag pa niya.

Hindi naman niya itinanggi na nahirapan siya habang nagpapagaling sa sakit dahil mag-isa lang siyang nakikipaglaban sa COVID-19.

“Kahit asymptomatic ka in the first few days, natatakot ako na baka magkaroon ako ng symptoms bigla.

"Hindi mo kasi alam, e. kasi you have the virus and it's inside you,” dagdga pa niya.

Inanunsiyo ni Diva ang COVID-19 journey niya sa kanyang YouTube channel at naniniwala siyang “perfect” ang timing ng vlog na layuning magbigay ng impormasyon at awareness sa publiko.

“Hindi ako nagba-vlog but I did my first vlog and I think that was the perfect timing 'cause I really want to spread awareness, na kahit sino pwedeng tamaan ng virus and it's not easy,” sabi pa ni Diva.

Pumutok ang balitang nagkaroon ng COVID-19 si Diva nitong Biyernes, September 4.