Celebrity Life

Baeby Baste, pumapayat na?

By Cherry Sun

Nagbigay ng update si Baeby Baste tungkol sa kanyang health and fitness.

Pumapayat na nga ba ang youngest Eat Bulaga dabarkad?

Kasalukuyang nasa GenSan ngayon si Baeby Baste kung saan naka-quarantine siya at ang kanyang pamilya.

Kahit nasa probinsya, tuloy-tuloy ang kanyang pag-aaral sa tulong ng online classes.

Maliban dito, abala rin ang batang dabarkad sa pag-eehersisyo tulad ng pagtakbo sa treadmill at paglangoy.

Sa katunayan, madalas ibahagi ni Bae-by Baste ang ilan sa kanyang kuha habang nagwo-workout.

Nitong Martes, September 8, isang litrato ang inupload ni Baeby Baste at marami ang nakapansin ng kanyang body transformation.

Komento pa ni Pauleen Luna, “Wow Dodong! Maliit na ang tiyan.”

Way to go, Baste!