Celebrity Life

EXCLUSIVE: Maureen Larrazabal, inilahad ang naranasang pagsubok nang mag-positibo sa COVID-19

By Aedrianne Acar

Bagama't humarap sa nakatatakot na hamon ang Pepito Manaloto star na si Maureen Larrazabal matapos makumpirmang positibo siya sa COVID-19, game pa rin siyang nagpa-interview sa GMA Network.com para ibahagi ang kanyang kuwento sa publiko.

Sa panayam naminngayong Huwebes ng hapon, September 10, sinabi niya na bago siya nagpa-test noong Agosto ay napagdesisyunan na rin niyang mag-isolate ng tatlong linggo dahil nakaramdam siya ng ilang sintomas na konektado sa coronavirus disease.

Paliwanag ni Maureen, “About a month ago, I think, I posted a video regarding how I was feeling at that time kasi meron akong symptoms na nawalan ako ng pang-amoy, panglasa... Actually, meron, e, pero 'yung sense of smell ko nawala.

“And then, masakit na masakit 'yung ulo ko for a couple of days na, siguro mga two to three days na siya.

"And then, on the fifth day, parang mayroon akong nararamdaman na sobra [at] palagi akong pagod.

“So, since I have been reading a lot about COVID, I've decided to isolate myself already. So, ina-isolate ko na 'yung sarili ko.”

Mas minabuti ng sexy comedienne na magpakasigurado kaya naisipan na niyang mag-self isolate.

“In-assume ko na COVID 'yung sakit ko kasi first time ko nakaramdam na sobrang pagod na pagod 'yung pakiramdam ko.

"First time 'yun sa buong buhay ko, hindi ko na-experience siya.”

Maureen Larrazabal nagkuwento sa kanyang COVID-19 experience / Screenshot taken from Maureen Larrazabal Instagram account

Pero nang magpa-swab test daw siya sa GMA Network, na mandatory para sa mga magbabalik sa taping, dito raw niya nakumpirma na positive pa rin siya sa naturang sakit.

Pag-alala ng aktres, “Kung paano ko nalaman, ganito, SOP (standard operating procedure) sa GMA-7 na before kayo mag-taping kailangan mag-swab test.

“So ako naman, after my three weeks of isolation, since kailangan ko na pumunta at magtrabaho uli, so I went for a swab test and then it turned out to be positive.”

Sa kabutihang palad ay hindi ganoon katindi ang tama ng COVID-19 kay Maureen

Kinumpirma rin niya sa GMANetwork.com na kahapon, September 9, natapos na ang kanyang mandatory self isolation.

“Kaya I'm very happy to announce and tell everyone na kahapon was actually my last day ng quarantine,” nakangiting pahayag ni Maureen,

Ipinaliwanag din niya na mas safe na nag-self isolate siya kahit wala na siyang nararamdaman.

Saad din niya na may dalawang posibilidad kung bakit nag-positive siya sa test na ginawa sa Kapuso Network.

Sambit niya, “Nag-quarantine ako uli, kasi nag-positive ako, the danger of that kasi... Well, sabi ng doctors, [walang] problema sa akin.

"Pero dalawa ang puwedeng mangyari: Ang first, is may traces of the virus inside my body that's why, but I'm no longer contagious.”

“Second, puwede ako na reinfect, so the danger of reinfection is also there.

"Since nandoon 'yung danger of reinfection ang ginawa namin nag-isolate na lang ko ulit for another two weeks, just to make sure na I do not compromise the health of the people I am around with.”

Plano pa rin kaya ni Maureen magpa-test uli?

Agad na sagot nito, “I want to wait for another one week before ako mag-swab test kasi I want to make sure na talagang walang-wala na siya,

“Mayroon daw kasi, nag-i-istay pa ng three months sa system, so parang useless and sayang because I know I'll be positive again.”

Nag-iwan din ng mensahe ang magaling na comedienne sa lahat ng mga tulad niya na tinamaan ng COVID-19 at pati na rin sa pamilya nila.

“Know that everything is temporary, hindi siya forever.

“Have faith na 'yung iniisip mo parang setback is actually an opportunity for you to learn something.”

Binigyan-diin din ni Maureen na dapat makita ng mga tao ang “brighter side” ng kanilang sitwasyon.

“Always remember that things are not happening to you but things are happening for you.

"Meaning, you will learn something out of your COVID experience as a family, as a person. So yun ang lagi [mo tatandaan] look at the brighter side especially if you [are] asymptomatic ka naman.”

Tulad din ni Maureen Larrazabal, nag-positive din sa COVID-19 ang co-star niya sa sitcom na si Michael V. na naka-recover na sa sakit.

Buong ngiti na sasalubungin ng magaling na comedienne ang “ber months” matapos makumpirma ni Maureen Larrazabal sa isinigawa sa kanyang test na wala na ang virus sa kanyang katawan.

Ramdam sa Instagram post ng aktres ang saya nang i-post niya noong September 19 na isa na siyang COVID-19 survivor.

Saad niya, “After being tested positive...I'm finally covid free. Split na kami ni covid #blessedbeyondmeasure#2monthsbattle #Grateful #GODISGREAT.”

Maureen Larrazabal, makakasama nina Boobay at Tekla sa bagong episode ng 'TBATS'