Celebrity Life

Miguel Tanfelix reveals he's a COVID-19 survivor

By Jansen Ramos

Sa unang pagkakataon, Ibinunyag ni Miguel Tanfelix na siya ay isang COVID-19 survivor sa kanyang Instagram post kahapon, June 23.

Hindi idinetalye ng Voltes V: Legacy lead actor ang kanyang COVID-19 journey, pero inamin niya sa parehong post na kumpleto na ang kanyang bakuna kontra virus.

"We're in this together," maikli niyang sulat sa caption.

Bukod kay Miguel, first time ding inamin nina Ken Chan at Rita Daniela na sila ay nagka-COVID-19 at gumaling mula sa sakit sa episode ng All-Out Sundays noong June 20.

Ayon kay Ken, nagsilbi raw itong aral para lalong pag-ibayuhin ang pag-iingat para sa lahat.

Aniya, "Kailangan mo talagang seryosohin sa lahat ng oras 'yung proteksyon sa sarili. Sandali lang na makalimot ka, hindi lang ikaw 'yung puwedeng magkasakit.

"Ito na siguro 'yung pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako 'yung tinamaan at nagkaroon ng virus, 'yung buong pamilya ko. Lahat kami sa bahay nagkaroon ng COVID.

"Wala kang choice kung hindi harapin ito ng buong tapang. Kailangan magpakatatag, dahil kapag sumuko ka parang sinuko mo na rin 'yung chance na gumaling 'yung mga mahal mo sa buhay."

Ayon naman kay Rita, nakatulong ang pagdarasal para lumakas ang kanyang loob sa kabila ng pakikipaglaban sa sakit.

"Mahirap siyang tanggapin when you do everything to take care of yourself pero dinapuan ka pa rin." sabi niya.

Kilalanin pa ang ilang celebrity at personalidad na dinapuan ng COVID-19 at alamin ang kwento ng kanilang paggaling dito: