Celebrity Life

Anjo Damiles opens up about his mental struggles

By Aedrianne Acar

Nag-open up ang aktor na si Anjo Damiles sa matinding pagsubok na hinarap niya last year.

Nagulat ang entertainment press sa idinaos na virtual media conference para sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, nitong Martes, August 10, nang mag-open up ang Kapuso hunk sa kanyang mental health struggles.

Kuwento ng 24-year-old actor sa panayam niya kay entertainment writer Rommel Gonzales na na-diagnose siya na may depression at severe anxiety.

Saad niya, “Yes, I was actually diagnosed with depression, last year June po. So, I had to take medicine po. I was also diagnosed with severe anxiety, since last year.”

“Ang hirap i-explain when it comes to mental health, it suddenly just breaks you down into two. May point ako nung panahon na 'yun na nag-snap na lang po ako.”

anjodamiles10 (IG)

Pagbabalik-tanaw ni Anjo, “Nawala ako, Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to see na ganun. I was crying, I was lost. Ang hirap hanapin nung sarili mo na maging okay. Ang hirap 'yung path na 'yun na sundan lang, lakarin mo lang, takbuhin. Ang hirap talaga sundan.”

Malaki raw ang naitulong ng mga espesyalista, kanyang pamilya, at pananampalataya niya sa Diyos para malagpasan ang challenge na ito sa kanyang buhay.

Aniya, “But with the help of my psychiatrist and of course the medicine, medyo nag-calm down 'yung pag-iisip ko and never nawala sa pag-iisip ko rin si God.

“I never told this to anyone… Si God talaga ang pinakatumulong sa akin, also my family, the doctor na they kept me sane. They gave me ideas na bago, ano'ng puwede gawin to keep your mind occupied,” pagtatapos ng aktor.

Mapapanood this weekend si Anjo Damiles sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko--- kung saan makakasama siya sa kuwento na “Captain Barbie” kung saan bibida sina Jeric Gonzales at Barbie Forteza.

Huwag papahuli sa magical-adventure na ito sa darating na August 15 sa Sunday Grande sa Gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Samantala, narito ang ilan pang celebrities na nakaranas din ng mental health problems: