GMA Logo pauline mendoza
Celebrity Life

Pauline Mendoza, nagbibigay inspirasyon sa mga taong nakikipaglaban sa breast cancer

By Aimee Anoc
Published November 3, 2021 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

pauline mendoza


Isa si Pauline Mendoza sa mga sumusuporta sa adbokasiyang nagbibigay kaalaman at inspirasyon sa mga kababaihan tungkol sa breast cancer.

Kabilang si Kapuso actress Pauline Mendoza sa #JoinTheBoobment ng Avon Philippines na naglalayong magbigay inspirasyon at kaalaman ngayong "Breast Cancer Awareness Month."

Sa press interview nitong Miyerkules, November 3, ibinahagi ni Pauline ang kanyang adbokasiya na makatulong at makapagbigay inspirasyon para sa kapwa niya kababaihan.

Noong 2017, na-diagnose na may stage 4 breast cancer ang ina ni Pauline at ito ang naging inspirasyon niya para sumali sa nasabing adbokasiya.

"Actually, she's still fighting, we don't know yet if completely wala na talaga 'yung cancer, ika-fifth year n'ya na ngayon, thank God for that. Ngayon, she's okay," pagbabahagi ni Pauline tungkol sa kalagayan ng kanyang ina ngayon.

"I remember four years ago, 'yung process talaga ng mom ko I've been through with her the whole process. Lahat ng pain niya, sa family, as an individual, mahirap talaga and I'm sure sa mga nakararanas ng breast cancer mahirap s'ya talaga. Masakit na makita mo 'yung love ones mo na dumaraan sa ganitong klaseng sakit lalo na ngayong may COVID," dagdag niya.

Ayon kay Pauline, sa ganitong sitwasyong dumaranas sa matinding pagsubok ang pamilya, mahalaga ang suporta sa isa't isa.

"Importante is support talaga. Hindi pwedeng hindi kayo susuporta sa isa't isa. Mapagdadaanan n'yo talaga 'yung pain, 'yung hirap kasi ako pinagdaanan ko talaga 'yun. I've been with my mom buong process n'ya ng breast cancer so mahirap talaga.

"Cheer up lang. Siyempre, you have to pray talaga. You have to get that strong bond with God, together as a family. Walang susuko, have faith and be strong," aniya.

Bilang anak, masakit para kay Pauline na makitang nahihirapan ang ina dahil sa cancer. Kwento pa niya, sumailalim ang ina sa chemotherapy kung saan sobrang nanghina ang katawan nito, namayat at na-depress.

Kaya naman payo ng aktres, habang maaga mas mabuting magkaroon ng healthy lifestyle.

"Fighting breast cancer, any cancer, takes everyone talaga. Mahirap talaga na makita 'yung mga tao or 'yung love ones mo na nahihirapan din kasi sobrang hirap talaga. Parang napi-feel mo na may cancer ka na rin.

"For me, be conscious about your health, eat healthy foods. Kung nag-i-smoke ka, please stop smoking. 'Yung alcohol intake mo 'wag sobrahan kasi early detection can save life," payo ni Pauline.

Samantala, narito ang ilang celebrities na breast cancer survivors: