Celebrity Life

Lovely Abella tests positive for COVID-19 for the second time

By Jansen Ramos

Ipinaalala ni Lovely Abella na hindi dapat makampante ang publiko ngayong pandemya matapos siyang magpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.

Ika niya, "Nagpapaalala na nasa tabi tabi lang siya at di nawawala, nagpapaalala na magiingat pa din tayo lalo na ang iba di naman nagiingat, nagpapaalala na ibalik ang dati kung paano tayo katakot saknya. Nagpapaalala na dapat isipin mong asymptomatic ang kausap mo at ayaw mong mahawa saknya," bahagi niya sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, August 22.

Ani Lovely, hindi raw niya akalaing tatamaan siyang muli ng COVID-19 at symptomatic pa dahil siya ay bakunado at may booster na kontra sa virus. August 2020 nang unang beses siyang nagpositibo sa COVID-19 pero siya ay asymptomatic.

"Yes vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon. Mas natakot ako di para sa sarili ko kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin. Di pa din tayo safe ang mundong ginagalawan natin ay di pa din safe," pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Lovely, nahawa niya ang kanyang asawang si Benj Manalo kaya muli niyang paalala, siguraduhing mag-ingat para sa kapakanan hindi lang ng sarili kundi para na rin sa mga taong nakapaligid.

"Nadamay ko pa ang Asawa ko dahil siya ang nag aalaga sakin, madami akong plano this year pero nabago dahil sa paalala na di pa din safe ang mundo. Nagingat naman ako pero siguro may nakaligtaan ako kaya muli nagkaCovid ako. Kaya please tripleng ingat, malakas siya at kawawa ang mga mahihina ang resistensiya," aniya.

Sa kabila nito, naniniwala ang aktres at businesswoman na may rason kung bakit kailangan niya muling mag-isolate matapos magkaroon ng COVID-19.

"Pero.. isa lang ang alam ko bat ako nagkaganito, walang araw na nagpahinga ako sa trabaho kaya kinalabit din siguro ako ni LORD na kailangan magpahinga di man maganda ang way pero masarap palang magpahinga mula sa work, sa stress at sa social media. Kaya mga kaibigan magpapahinga lang po kami. Babalik ako pag malakas na ako ulit. #hanashnilovely."

Heto pa ang ilang sikat na personalidad na dumaan sa matinding pagsubok at napabilang sa libo-libong Pilipino na naging biktima ng mabilis na paglaganap ng COVID-19 simula Marso 2021.

TINGNAN SA GALLERY NA ITO: