Celebrity Life

Julia Clarete, unti-unti ang recovery matapos sumailalim sa leg surgery

By Aedrianne Acar

Nakamamangha ang bilis ng recovery ni former Eat Bulaga star Julia Clarete matapos ang kaniyang leg surgery nitong Enero.

Sa Instagram post ni Dabarkads Julia noon December 5, 2022, sinabi niyang nahulog siya sa isang skateboard matapos tanungin ng isang follower kung bakit niya kailangan gumamit ng ice pack.

Source: juliaclarette (IG)

Ayon sa latest update ng actress-singer nitong February 10, makikitang nagagamit na niya ang kaniyang kanang binti, kahit paunti-unti, isang buwan matapos sumailalim sa operasyon.

Lahad niya sa kaniyang post, “Others said one year until I get on my leg...

“Exactly one month today since my surgery. Thanks for cheering me on gang! Every message of encouragement is a step forward. Thank you @peakformmanila for changing that one year into one month!

“I love you, 'Nay!”

A post shared by Jules C McGeown (@juliaclarette)

Bumuhos naman ang dasal at words of encouragement ng mga kaibigan at kakilala ni Julia tulad na lang ng seasoned actor na si Bodjie Pascua.

Sabi niya kay Julia, “Oh, Julia, Julia...! Parang ramdam ko yung sakit... Pero, laban lang nang laban. Ikaw pa...!”

Replay naman nito, “Salamat, Bodjie! Laban lang at patuloy ang pag galing!”

Source: juliaclarette (IG)

Noong 2016 nang umalis si Julia sa Eat Bulaga at nang sumunod na taon ikinasal siya kay Gareth McGeown. Isang dekada naging host ang aktres sa longest-running noontime show.Link:

TINGNAN ANG SIMPLE BUHAY NI JULIA CLARETE: