Celebrity Life

Dennis Trillo, isa na ring TikTokerist

By Marah Ruiz

Sa pamamagitan ng isang kuwelang video, kinumpirma ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na mayroon siyang TikTok account at siya mismo ang gumagamit nito.

Gamit ang handle na @dennistrilloph, kasalukuyan itong may 341.6K followers at 4.2M likes. Pero wala pa itong blue check mula sa Tiktok na nagpapatunay na isa itong verified account.

Gayunmapan, ito ang Tiktok account na nakasaad sa profile ng verified Instagram account ni Dennis.

Hinaluan pa ng biro ni Dennis ang pagkumpira niya sa kanyang account.

"Hello everyone, Dennis Trillo here. Siguro nagtataka kayo doon sa mga huli kong post. Maraming nagtatanong: Kay Dennis ba talaga 'tong account na 'to? Yes, sa akin po ito," lahad niya sa habang nakaupo sa isang maaliwalas na kuwarto at nagsasalita sa harap ng camera.

Sa kalagitnaan nito, makikita sa background na may isa pang Dennis na papasok habang pasayaw sayaw pa sa awit na "GENTO" ng SB19.

"But unfortunely, mayroong nang-hack nitong account na 'to," biro ni Dennis bago mapansin ang isa pang Dennis at hahabulin ito palabas ng kuwarto.

@dennistrilloph Good Morning from the DRAMA KING! 🤣 #fyp #foryoupage #goodvibes ♬ Kakayanin Kaya - Maymay Entrata

May 19 nang unang mag-post ni Dennis sa kanyang Tiktok account.

Binati niya dito ang kanyang followers habang gamit ang crying filter.

"Hello everyone! Welcome to my TikTok. I'm back from Japan and now I'm back to work," ani Dennis sa video.

@dennistrilloph Good Morning from the DRAMA KING! 🤣 #fyp #foryoupage #goodvibes ♬ Kakayanin Kaya - Maymay Entrata

Ibinahagi rin niya dito ang birthday surprise para sa kanya sa set ng Love Before Sunrise, ang upcoming drama series niya kasama si Bea Alonzo.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/100667/dennis-trillo-at-bea-alonzo-nagsimula-na-sa-taping-ng-love-before-sunrise/story?amp

@dennistrilloph Maraming salamat Love Before Sunrise family 🙏❤️🥰 #birthdaysurprise #dennistrillo #beaalonzo #gma #gmanetwork #kapuso #gmadrama #gma7 #viuoriginal #viuphilippines #fyp #foryourpage ♬ original sound  Trillo - Dennis

Nag-post din si Dennis ng maikling video para i-promote ang kanyang upcoming international series na Severino. Tungkol ito sa paring si Juan Severino Mallari na itinuturing bilang unang serial killer sa Pilipinas.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/101793/dennis-trillo-to-star-in-international-series-severino/story?amp

@dennistrilloph Excited na ako para dito. #Severino #fyp #foryoupage #dennistrillo ♬ original sound  Trillo - Dennis

Pero hindi lang sa trabaho ginagamit ni Dennis ang kanyang TikTok account.

May sweet post din siya kasama ang asawa at kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado.

Sa video na ito, makikitang magkayakap ang dalawa habang naririnig ang cover nila ng kantang "After All," ang personal na theme song nila.

@dennistrilloph Love you @Jen Mercado ❤️❤️❤️ #jenden #jennylynmercado #dennistrillo #kapuso #gma #fyp #foryourpage ♬ original sound  Trillo - Dennis

Ipinamalas din ni Dennis ang wacky side niya sa pamamagitan ng ilang videos na gumagamit ng trending at viral na audios.

@dennistrilloph Ay Pack You Up! #fyp #foryourpage @korikongon ♬ original sound - DJ Jimmy J 🎙

Sumakay din siya sa The Little Mermaid fever at nag-lip sync ng reprise version ng kantang "Part of That World."

@dennistrilloph Ariel Nievera🧜🏻‍♂️🎶 #fyp #foryourpage #littlemerman #littlemermaid ♬ Part of Your World (Reprise) - From "The Little Mermaid"/Trailer Version - Halle

I-follow na si Dennis sa kanyang TikTok account na @dennistrilloph.

SAMANTALA, MAGBALIK TANAW SA 23-YEAR CAREER NI KAPUSO DRAMA KING DENNIS TRILLO DITO: