Celebrity Life

Neri Miranda, magkakaroon ng sariling convenience store

Iba talaga ang diskarte sa negosyo ng wais na misis ni Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda!

Bukod sa sarili nilang events place, patatayuan na rin ni Neri ng convenience store ang kanyang lugar para sa ikaluluwag ng mga aarkila sa kanila.

Binalita ito mismo ni Neri sa kanyang social media account.

Sulat niya: "Para hindi na talaga mahirapan pa mga guests kapag may kailangan sila. Walking walking na lang sa garden papuntang convenient store."

CHECK OUT THE MANY BUSINESSES OF NERI NAIG THAT PROVE SHE'S A #WAISNAMISIS

Kasabay nito ay inimbitahan ng dating aktres ang mga negosyante na may mga produkto na nais ilagay sa kanyang tindahana.

Ayon din kay Neri, sa December matatapos itayo ang bago niyang negosyo na may laki ng 6,000 square meter. Magkakaroon ito ng dalawang villas na sariling bathroom at public restroom. May malaking kitchen din para sa mga caterers!

"Kaya excited na kami na mapasyalan ninyo soon... Kapag walang guests, dyan ang bagong bakasyunan namin at magiging studio ng Pamilya Miranda sa mga endorsement shoots at syempre pwedeng rentahan ng iba pang brands kahit 'di kami ang endorsers."