GMA Logo Empoy Marquez
Celebrity Life

Empoy Marquez, nag-relax sa pamamagitan ng camping

By Marah Ruiz
Published February 16, 2024 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Young Pinoy entrepreneurs can access up to P500K loans from DTI's SBCorp.
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

Empoy Marquez


Sa gitna ng kanyang busy schedule, nag-relax muna sa Empoy Marquez sa pamamagitan ng camping.

Matagal nang mahilig sa outdoor activities si actor-comedian na si Empoy Marquez.


Madalas siyang mag-post a Instagram tungkol sa kanyang bike rides at sa magagandang tanawin na nakikita niya dito.

Ngayon naman, nagbahagi si Empoy ng ilang videos kung saan makikita siyang nag-e-enjoy sa camping.

Nakaka-relax at tila ASMR ang kanyang video kung saan makikitang inihahanda niya ang kanyang tent bago matulog. Balot ito ng katahimikan at tanging ang mga kuliglig at tunog lang ng mga ginagalaw na bagay ni Empoy ang naririnig dito.

A post shared by Empoy (@empoy)


Nasubukan din ni Empoy ang car camping kung saan nag-set up siya ng specialized tent sa ibabaw ng kanyang sasakyan.

A post shared by Empoy (@empoy)


Ipinasilip din ni Empoy ang paggising niya sa tent sa isang magandang umaga. Sinimulan niya ang kanyang araw sa pag-aayos ng isang duyan at sa paghahanda ng kape.

A post shared by Empoy (@empoy)


Bahagi ng hit full action series na Black Rider si Empoy kung saan gumaganap siya bilang Oka, masipag na rider para sa isang delivery at motortaxi app.

Sa ika-15 linggo ng serye, umuwi si Oka sa probinsiya para bisitahin ang tatay niyang maysakit. Sasalubungin siya dito ng kanyang mga kapatid na hindi siya tanggap at nais siyang pagkaitan ng mana.



Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.