
Patok ngayon sa social media ang “I am… of course…” trend o ang bagong trend sa pagpapakilala.
Ilang netizens at local celebrities na ang kumasa sa nasabing trend at kabilang na rito sina My Guardian Alien actors Kiray Celis at Christian Antolin.
Sa TikTok, in-upload ng Kapuso comedienne ang video, kung saan ginawa nila ni Christian at ng iba pa nilang kaibigan ang “birthday edition” ng popular trend.
“I'M A FILIPINO OFCOURSE BIRTHDAY EDITION! Ano-ano nga ba ang ugaling Pilipino pagdating sa handaan?! Ft. @chrisantol” sulat niya sa caption.
@kiraycelisofficial I'M A FILIPINO OFCOURSE BIRTHDAY EDITION! Ano ano nga ba ang ugaling pilipino pagdating sa handaan?! Ft. @Christian Antolin ♬ original sound - Kiray Celis
Maraming netizens ang naaliw sa entry nina Kiray at Christian ng “I am… of course…” trend at kasalukuyang mayroong itong mahigit 300,000 views sa TikTok.
Noong Enero, nagtungo ang actress-comedienne at content creator kasama ang kanilang mga kaibigan sa Hong Kong.
Kabilang sina Kiray Celis at Christian Antolin sa upcoming primetime series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Related gallery: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
Abangan ang My Guardian Alien sa GMA Prime.