Content creator Christian Antolin, bibida na ngayon sa 'Wish Ko Lang'

Kaabang-abang ang kauna-unahang lead role sa telebisyon ng content creator na si Christian Antolin kung saan bibida na siya ngayon sa Wish Ko Lang.
Mabigat at puno ng emosyon ang kuwentong pagbibidahan ni Christian sa "Inggit Pikit" episode ng Wish Ko Lang kung saan bibigyang buhay niya ang masipag na beki na si Khiana.
Sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang ngayong Huwebes, hindi naging madali ang buhay para kay Khiana. Bukod sa hirap na dala ng kakulangan sa pera, nararanasan din niya ang pang-aalipusta ng marami sa paligid niya. Pinagbubuhatan din siya ng kamay ng mabisyo niyang amang si Roger.
Dumagdag pa sa hirap na naranasan ni Khiana ang mapangmaliit na kaibigang beki na si Nicole, na umagaw sa kasintahan niyang si Jonas.
Makakasama ni Christian sa episode na ito sina Raf Pineda bilang Nicole, Lovely Rivero bilang Lilibeth, Mel Kimura bilang Ayong, Yvette Sanchez bilang Cherry, Joaquin Manansala bilang Jonas, Anne Garcia bilang Tonet, Jet Rai bilang Roger, at Eya Borja bilang Raquel.
Inside link:
Silipin ang ilang behind-the-scenes photos ni Christian Antolin sa set ng Wish Ko Lang sa gallery na ito:






