
Panalong-panalo para sa online netizens ang kamakailang makeup challenge at Marimar throwback post ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Sa Facebook ni Marian, almost 50 million views na ang video challenge, habang nasa 11 million views naman ito sa Instagram.
Sa kanyang panayam kasama si Nelson Canlas para sa 24 Oras, sinabi ni Marian na napa-throwback siya sa kanyang Marimar days habang ginagawa niya ang challenge. Kuwento rin ng aktres, na-realize niya na kahit gaano katagal na ang kanyang dating role, nanatiling nasa puso pa rin niya si Marimar.
"Actually nung ginagawa namin 'yan sabi ko, 'Nagfa-flashback sa'kin 'yung 2007 na ginawa ko si Marimar.' Na parang sinabi ko, 'Ang tagal ng panahon na, pero nasa puso ko pa rin talaga siya,'" sabi ni Marian.
Maraming napa-"sana all" sa youthful beauty ng Box Office Queen. Dahil kahit 17 years na nakalipas ang kanyang role, parang wala raw nagbago sa itsura ng aktres. Kaya naman maraming nagtatanong kung ano ang sekreto ni Marian sa kanyang fresh looks.
Ang sagot ng aktres, "Ano ba? Paano ba? Wala eh, kailangan siguro masaya ka sa ginagawa mo. Inaalagaan mo ang sarili mo. 'Pag sinabi ko inaalagaan sarili, siguro inside and out dapat."
Ngayong natupad na ang Marimar request ng lahat, sunod na challenge naman ang gumawa ng dance steps sa kanta ng Ben&Ben na "Could be Something." Ang mismong singer ng kanta ang nag-request kay Marian sa social media.
Sagot naman ng Kapuso star sa indie band, "'Yung mga kaibigan kong Ben&Ben, ay eto na. Syempre, sabi ko, 'Paano ba naman, hindi ko sila mahihindian kasi malakas mga 'yan sila sa akin.' Kaya naku, challenge accepted 'yan."
Maliban sa mga bagong Tiktok entries, marami rin ang dapat abangan sa kanyang GMA prime series na My Guardian Alien.
Ito ay dahil patindi nang patindi na raw ang istorya ng programa at puno rin ito ng mga exciting plot twist.
"Ang dami pong mangyayari na talagang hindi nila ine-expect na mga twist talaga dyan. At saka abangan nila 'yung banggaan namin dito ni Max Collins."
Related gallery: Marian Rivera's most memorable roles