GMA Logo Ahron Villena pet dogs
Source: ahronvillena (IG)
Celebrity Life

Ahron Villena, proud fur daddy sa kanyang mga alagang aso

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 1, 2024 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano says 'Forgotten Island' has plenty of Easter eggs for Pinoys
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa August 25, 2026 | Balitang Bisdak
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Ahron Villena pet dogs


Para kay Ahron, malaking tulong sa kanyang mental health sina Kodi, Killo, at Lokki, ang kanyang tatlong aso.

Bukod sa pagiging aktor, isang proud fur daddy rin si Ahron Villena. Tatlo ang aso ni Ahron, sina Kodi, Killo, at Lokki.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, sinabi ni Ahron na nakakatulong ang tatlong aso sa kanyang mental health kaya labis niya rin itong minamahal at inaalagaan.

Bukod sa pagpapakain at pagpapaligo, pinapasyal din ni Ahron ang kanyang mga alagang aso para makipag-socialize sa ibang aso.

"Kailangan mo ring ilabas 'yung mga dogs mo, e, para masanay sila sa mga tao, masanay sila sa mga ibang dogs kasi sometimes 'yung iba, talagang bahay lang talaga lagi," saad ni Ahron.

Dahil madalas niyang nilalabas ang kanyang aso, sinisigurado ni Ahron na may mga bakuna ito para hindi magkasakit.

"'Yun 'yung pinaka-fear ko, na baka mamaya biglang nilabas ko, nagkaroon ng something disease, 'yung sa pang-dog.

"I made sure naman na lagi akong kumpleto sa gamit nila, lagi akong may diaper, lagi akong may leash and water na dala, and poop bag, lagi akong may dala."

Bukod kay sa mga alagang aso ni Ahron, kilalanin pa ang ibang celebrity pets sa mga larawang ito: