
Hindi lamang sa aktingan lumaban ang mga Kapuso stars na ito kundi pati na rin sa mga TikTok trends ay game na game sila!
Sa "Unang Chika," ngayong Biyernes, February 21, ilang Kapuso stars ang game na game na nakisali at nag-transform para sa 'Sobrang Latina' trend.
Isa na sa mga sumabak sa trend ang Prinsesa ng City Jail stars na sina Sofia Pablo at Lauren King, na tila ginawang bonding ang paggawa ng trend.
@sofiapablo SOBRANG LATINA
♬ original sound - Sesable
Binida rin ng Binibining Marikit actress na si Ashley Rivera ang kanyang humor at charm sa kanyang "Sobrang Latina" trend.
"Magkasundo na naman sila ni self," isinulat ni Ashley sa caption.
@petrashley Magkasundo nanaman sila ni self
♬ original sound - Sesable
Hindi rin nagpahuli ang Bubble Gang star na si Buboy Villar, na tila hindi nakilala sa kanyang look. Si Buboy ay nagdamit pambabae at nagsuot ng blonde na wig para sa kanyang pangmalakasan na transformation.
@buboyjrvillar SH*T LATINA!
♬ original sound - Sesable
Nagsimula ang "Sobrang Latina" trend sa isang TikTok content creator na si Sesable kung saan ibinida niya ang kanyang Latina inspired makeup.
Samantala, tingnan dito ang celebrity-approved TikTok trends noong 2020: