
Sa kabila ng mga nali-link kay Your Honor host Buboy Villar, masaya umano ang kaniyang puso ngayong nalalapit na Valentine's Day sa Pebrero. Ngunit paglilinaw ng aktor at komedyante, ito ay dahil sa kaniyang non-showbiz na special someone.
Sa guesting ni Buboy Villar kasama ang kanyang Your Honor co-host na si Tuesday Vargas sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ay pinuna ni King of Talk Boy Abunda na marami nang nali-link kay Buboy. Kaya naman tinanong ng batikang host kung ano ba talaga ang tipong babae ng komedyante.
“Tito Boy, alam niyo naman po, masyado po akong nag-iingat e, kung ano po 'yung mata-type-an ko,” sabi ni Buboy.
Ngunit paglilinaw niya, “Pero masasabi ko lang ngayon I'm happy, sobrang happy ko ngayon dahil siyempre, magfe-February na, masaya ang puso natin. At I'm blessed, Tito Boy, dahil siyempre merong dumating na isang tao sa atin na nagki-care sa atin, of course.”
Dito ay hiniritan na siya ni Tito Boy ng clue tungkol dito, “Your honor, clue lang ng konti, para naman masaya ang ating uspaan.”
Sagot ni Buboy, “Wala naman pong problema, Tito Boy, pero ito po ay non-showbiz.”
Nang tanungin siya ni Boy kung gaano na sila katagal ng kaniyang special someone, pag-amin ni Buboy, ay hindi na siya nagbibilang ng taon.
“Basta ang importante po sa 'kin, araw-araw kami magkasama,” sabi ng aktor.
Nang hingan siya ni Boy ng mensahe para sa kaniyang special someone, isang short but sweet na “Love you” ang binigay ng aktor.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGMAHAL NG NON-SHOWBIZ PARTNERS SA GALLERY NA ITO: