Parami na nang parami ang mga nahihilig sa pagmo-motor, kabilang na ang ilang celebrities at kilalang personalidad.
Ang ilan, naging bagong hobby ang pagmo-motor, lalo na ang pag-ride papunta sa ilang malalapit na probinsya sa Metro Manila kasama ang kanilang mga kaibigan, ka-grupo, o maging ang kanilang kasintahan o kabiyak.
Ang ilan naman ay nahihilig sa pagkolekta ng mga mamahalin o vintage na motor, na kadalasan ay umaabot sa milyong piso ang halaga.
Marami na ring female celebrities ang nahihilig sa pagmo-motor at walang takot na nakikipagsabayan sa mga male motorcycle enthusiasts.
Kilalanin ang ilang mga celebrities na motorcycle riders sa gallery na ito.
Bukod sa pagta-travel kasama ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton, mahilig din sa pagmo-motor ang aktor na si Jason Abalos.
Katulad ng ibang celebrities, mahilig din sa motorcycle rides ang Pinoy rock icon na si Ely Buendia kasama ang kanyang grupo.
Just recently, Jak joined the California Superbike School 2019 with Primetime King Dingdong Dantes.
Check out Kapuso Primetime King Dingdong Dantes's red Ducati SportClassic 1000s!
Si Drew Arellano ay nagba-bike kasama ang kanyang riding group na Brap Pack.
Isa ring fan ng Ducati ang host/actor na si Ryan Agoncillo.
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Richard bukod sa photography ay ang pagsakay sa kanyang bikes. Kilala rin si Richard bilang isa sa mga "three legit owners" ng Ducati Paul Smart sa Pilipinas.
Kilala naman si Jericho bilang collector ng motorbikes. Parte rin siya ng grupo na Brap Pack.
Ang hilig sa bikes ni Christopher Roxas ay suportado ng kanyang asawa na si Gladys Reyes. Napabalita pang nakatanggap si Christopher ng Royal Enfield motorbike mula kay Gladys bilang anniversary gift.
Biking rin ang kinahihiligan ng aktor na si Ian Veneracion.
Nagmula umano ang interes ni Paulo Avelino sa big bikes sa kanyang ama.
Ang aktor na si Aga Muhlach ay isa ring fan ng motorbikes. Nagmamay-ari siya ng customized BMW R nineT.
Si Nick Sarmenta ay mayroon umanong 3 big bikes sa kanyang collection. Ito ay ang Kawasaki W800, Harley-Davidson Sportster 48 at ang Harley-Davidson Street 750.
Radio DJ and host Sam YG also owns a Ducati.
Mula sa pagiging race car driver, nahihilig na rin ngayon sa big bikes si Matteo Guidicelli.
Bagong addition si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa big bikes club. Ayon sa reports, mayroon siyang Honda X-ADV 750, na nagkakahalaga ng PhP 805,000.
Isa si Kuya Kim sa mga kilalang pinoy celebrities na mahilig mangolekta ng big bikes. Maliban sa luma niyang Honda bike, mayroon din siyang Vespa at isang vintage Ducati.
Avid rider din ng motorbikes si Coco Martin. Ayon sa reports ang kauna-unahan niyang motorsiklo ay regalo ng batikang aktres na si Dawn Zulueta.
Mahilig din mangolekta ang aktor na si Enrique Gil. Ngayon, mayroon siyang isang Suzuki motorbike.
Maliban sa ilang hot rods vintage Mustang at Jeep, nangongolekta rin ng ilang motorbikes si Jake Cuenca.
Maganda na, mahilig pang mag-motorsiklo? 'Yan si Kapuso actress Klea Pineda.
'Di lang direktor sa 'Wowowin' si Gab Valenciano. Alam niyo bang motorcycle racer din siya?
Big boy with a big toy din ang aktor na si Carlo Aquino.
'Di lang basketball ang hilig ni James Yap. Sa katunayan, motorcycle rider rin si James.
BMW naman ang motorbike of choice ni PBA player Marc Pingris.
Binansagang “Ducadee” ni Miss World 2019 Michelle Dee sa kanyang Ducati motorcycle.
'Di mo maihihiwalay si 'Magkaagaw' star Jeric Gonzales sa kanyang Kawasaki Versys 650. Ang motorbike ni Jeric ay matte black na may forest green accents at nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP 350,000.
Ang 'Pinas Sarap' host na si Kara David at ang kanyang asawang si LM Cancio ay parehong motorcycle enthusiasts.
Sa isang episode ng 'Pinas Sarap,' magkasama pang nag-ride patungong Tagaytay sina Kara David at LM Cancio para sa isang food trip.
Na-unlock ni Maggie Wilson ang kanyang dirt bike skills noong December 2021.
Ang 'StarStruck' alumna na si Klea Pineda isa rin sa mga female motorcycle riders sa showbiz.
Ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez ay isa sa mga female celebrities na nahihilig sa pagmo-motor.
Noong November 2021 lamang siya nagsimulang mag-training pero agad natuto si Kim Rodriguez ng mga tricks tulad ng knee dragging.
Ang dating Viva Hot Babes member at Noble Queen International 2021 na si Jaycee-Parker-Aguas, nahihilig rin sa pagmo-motor.
Madalas kasama ni Jaycee Parker sa pagmo-motor ang kanyang asawa na si Jericho Aguas.