May mga bagong kinahihiligan ang iyong favorite artistas at ito ang 'Wipe It Down' challenge sa TikTok na nagpapakita ng kanilang unique transformations habang nasa enhanced community quarantine. Tingnan ang ilang incredible glow up sa gallery na ito:
From nerdy to beauty real quick! Inilabas ni Miss World Philippines 2019 Michelle Dee ang kanyang sash at korona para sa challenge na ito.
Hindi inaasahan ni Klea Pineda na makikita niya si friendly neighborhood Spiderman nang linisin niya ang kanyang salamin.
Sino'ng nagsabing nerdy can't be sexy? Aba! Let Kris Bernal prove you wrong.
Alam na natin na dati pang cutie si Benedict Cua, pero mas naging hottie pa siya sa kanyang transformation.
Turning into a hottie naman si 'Prima Donnas' star Althea Ablan sa kanyang version ng naturang challenge.
Isang friendly but salty reminder na single pa rin si Andre ngayong quarantine. Any takers?
Fashion pa rin ang peg ni social media influencer Camille Co sa kanyang Wipe It Down Challenge.
Very elegant naman ang alter ego ni social media influencer Verniece Enciso habang pinupunasan ang kanyang bathroom mirror.