advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Kapuso artists na, video game streamers pa!

1 of 11

Alden Richards 

Nagsimula nang mag-stream si Alden Richards sa kaniyang official FB page kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok Mobile.

2 of 11

Shaira Diaz 

Panoorin ang Mobile Legends gameplay ni Shaira Diaz sa kaniyang gaming page na SDiaz Gaming kung saan madalas niyang ginagamit ang paborito niyang hero na si Kadita.

3 of 11

Megan Young 

Subaybayan ang gaming stream ni Megan Young kung saan naglalaro siya ng iba't ibang games gaya ng Ragnarok Mobile, Animal Crossing, at Stardew Valley.

advertisement
4 of 11

Rocco Nacino 

Makipagbarilan kay Rocco Nacino sa kaniyang stream ng Call Of Duty Mobile.

5 of 11

Michelle Dee 

Madalas nakakalaro ni Michelle Dee ang kaniyang fans sa Call Of Duty Mobile sa tuwing siya ay nagla-live stream.

6 of 11

Kristoffer Martin 

Tiyak na maaaliw kayo sa video game stream ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends at Call Of Duty Mobile.

advertisement
7 of 11

Paul Salas 

Panoorin si Paul Salas at ang kaniyang kaibigan na si Arj Eder sa FB page na Arj & Paul. Dito, naglalaro sila ng NBA 2k20.

8 of 11

Faye Lorenzo 

'Wag palampasin ang mga streams ni Faye Lorenzo kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends.

9 of 11

Khalil Ramos

Kahit na busy sa showbiz, active pa rin si Khalil Ramos sa kanyang streaming. Madalas naglalaro si Khalil ng 'Call of Duty' mobile.

advertisement
10 of 11

Myrtle Sarrosa

Bukod sa pagiging cosplayer, isa ring magaling na gamer si Myrtle Sarrosa. Sa katunayan, siya lang ang nag-iisang pinay na nakapasok sa top 100 ng top Ragnarok players sa Southeast Asia noong 2020. Panoorin kung paano maglaro si Myrtle sa kanyang Facebook page.

11 of 11

Jillian Ward

Pinatunayan ni Jillian Ward na hindi lang siya maganda at magaling na aktres, kundi magaling din sa paglalaro ng 'Rules of Survival.'