advertisement
Celebrity Life

LOOK: MJ Lastimosa and her 'paandar' OOTD photographers

1 of 11

Janine Tugonon

Isa sa nag-viral na Instagram post ni MJ Lastimosa ay noong sinubukan niya ang photography skills ng beauty queen na si Janine Tugonon. Si Janine ang itinanghal na Miss Universe 1st runnerup noong 2012 edition.

Lubos na kinaaliwan ng ilang netizens ang witty caption ni MJ tungkol sa kanyang co-beauty queen,

"Walang 1st runner up 1st runner up dito, ayusin mo yan @janine_tugonon.”

2 of 11

Rabiya Mateo

Napasabak rin bilang OOTD taker ni MJ Lastimosa ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo. Habang sila ay nasa Los Angeles, hindi pinalampas ni MJ ang chance na magpakuha ng photos kay Rabiya.

3 of 11

Shamcey Supsup

Recruited rin bilang photographer ni MJ ang isa sa matalik niyang kaibigan na si Binibining Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup.

advertisement
4 of 11

Entry No. 2  

Suot ang brown sexy coordinates, nagpakuha muli ng litrato si MJ kay Shamcey Supsup.

Biro pa ni MJ sa kanyang caption, “Mabuti naman at marunong na ng lower angle si @supsupshamcey.”

5 of 11

Winwyn Marquez

Hindi rin nakaligtas sa pa-photography test ni MJ Lastimosa ang kanyang Eat Bulaga co-host at Reina Hispanoamericana 2017 na si Teresita Ssen Marquez o mas kilala bilang si Winwyn Marquez.

Lubos na naaliw ang netizens sa pabirong caption ni MJ tungkol kay Winwyn,

"Teresita walang reina reina dito kelangan ko ng ootd.”

Comment naman ni Winwyn, “Bwahahaha madali naman kasi ako kausap madam!”

6 of 11

Beatrice Luigi Gomez

Hindi lang pala kilala bilang reigning Miss Universe Philippines si Beatrice Gomez, sikat na rin kasi siya bilang latest photographer ni MJ Lastimosa.

advertisement
7 of 11

Victoria Vincent and Maureen Wroblewitz   

Na-recruite din ni MJ Lastimosa bilang photographers ang Miss Universe Philippines 2021 Charity title holder na si Victoria Vincent at ang Miss Universe Philippines 2021 1st runnerup na si Maureen Wroblewitz.

Game na game nilang kinuhanan ng photos si MJ habang sila ay nasa isang swimming pool.

8 of 11

Abena Akuaba Appiah  

Hindi lang pala Pinay beauty queens ang target ni MJ. Sinubukan rin niya ang photography skills ng Miss Grand International 2020 na si Abena Akuaba Appiah.

Ayon sa caption ni MJ, “Ang batang Ghana ay mahusay na photographer. Good to see our MGI2020 my sister @abenaakuaba today love you!!!”

9 of 11

Anshika Sharma  

Sinundan pa ito ng Miss Universe Nepal 2020 na si Anshika Sharma.

Sino naman kaya ang susunod na OOTD taker/photographer ni MJ Lastimosa?

Samantala, balikan ang ilang paandar post at captions ni MJ Lastimosa sa gallery na ito:

advertisement
10 of 11

Celeste Cortesi 

"Pa-picture" ang naging salubong ni MJ Lastimosa kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi matapos siyang magpakuha ng larawan dito suot ang kanyang OOTD sa isang beauty salon.

11 of 11

Paolo Ballesteros 

Pinagbigyan din ni dabarkads Paolo Ballesteros ang paandar ni MJ Lastimosa na magpa-picture ng kanyang OOTD sa mismong opening event ng Drag Race Philippines kung saan host mismo si Paolo.