Check out the cool rides of these celebrity motorcycle riders:
Bukod sa pagta-travel kasama ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton, mahilig din sa pagmo-motor ang aktor na si Jason Abalos.
Katulad ng ibang celebrities, mahilig din sa motorcycle rides ang Pinoy rock icon na si Ely Buendia kasama ang kanyang grupo.
Noong 2019, sumali si Jak Roberto sa California Superbike School kasama ang Primetime King na si Dingdong Dantes.
Check out Kapuso Primetime King Dingdong Dantes's red Ducati SportClassic 1000s!
Si Drew Arellano ay nagba-bike kasama ang kanyang riding group na Brap Pack.
Isa ring fan ng Ducati ang host/actor na si Ryan Agoncillo.
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Richard bukod sa photography ay ang pagsakay sa kanyang bikes. Kilala rin si Richard bilang isa sa mga "three legit owners" ng Ducati Paul Smart sa Pilipinas.
Kilala naman si Jericho bilang collector ng motorbikes. Parte rin siya ng grupo na Brap Pack.
Ang hilig sa bikes ni Christopher Roxas ay suportado ng kanyang asawa na si Gladys Reyes. Napabalita pang nakatanggap si Christopher ng Royal Enfield motorbike mula kay Gladys bilang anniversary gift.
Biking rin ang kinahihiligan ng aktor na si Ian Veneracion.
Nagmula umano ang interes ni Paulo Avelino sa big bikes sa kanyang ama.
Ang aktor na si Aga Muhlach ay isa ring fan ng motorbikes. Nagmamay-ari siya ng customized BMW R nineT.
Si Nick Sarmenta ay mayroon umanong 3 big bikes sa kanyang collection. Ito ay ang Kawasaki W800, Harley-Davidson Sportster 48 at ang Harley-Davidson Street 750.
Radio DJ and host Sam YG also owns a Ducati.
Mula sa pagiging race car driver, nahihilig na rin ngayon sa big bikes si Matteo Guidicelli.
Nagsimula sa scooter bago nahilig sa big bike ang Kamikazee frontman na si Jay Contreras. Madalas bumiyahe si Jay kasama ang riding group na Cruiserheads.
Kabilang rin sa riding group na Cruiserheads ang retired PBA player at dating Ateneo Blue Eagles main man na si Enrico Villanueva.
Ang actor-model na si Dominic Roque ay madalas sumali sa mga motorbike competitions.
Bukod sa kotse ay mahilig rin sa motorsiklo ang comedian-host na si Ramon Bautista.
Ang Kapuso star na si Richard Yap ay isa sa mga aktor na mahilig sa motor. Sa guesting niya sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition,' nagbahagi pa siya ng ilang safety tips para sa mga kapwa niyang riders.
Ang TV personality na si Kim Atienza ay isang kolektor ng iba't ibang klase ng motorsiklo. Ibinabahagi niya ang mga ito sa kanyang YouTube channel.
October 2019 nang ibinahagi ni Gab Valenciano na sumali siya sa Pirelli at PSBK Nationals Rookie Cup kung saan siya itinanghal na 2nd place.
Xian Lim loves long rides and traveling to places on his bikes. "Throughout the time that I started riding, I got to meet wonderful people who share the same passion as I do."