Celebrity Life

WATCH: Klea Pineda, enjoy sa bagong hobby na autocross racing

By Cara Emmeline Garcia

Certified beach babe, fitspiration, singer, dancer, at model.

Klea Pineda

'Di mapapagkakaila na maituturing na “complete package” si Kapuso actress Klea Pineda.

But wait, there's more! Mahilig din pala ang aktres na mag-autocross racing.

Sa naganap na Autocross Challenge ng isang car brand noong Linggo, April 28, aakalain mong isang professional ang nasa driver's seat dahil suwabe ang pagharurot at pagliko ni Klea sa track.

Kahit first time pa lang niyang sumabak sa bagong hobby, nagantimpalaan siya ng 2nd Runner-Up sa nasabing kompetisyon.

Ibinahagi ni Klea ang tuwa sa pagkapanalo at sa first-time experience niya sa driver's seat.

Ani Klea, “Happy naman ako sa experience ko ngayon.

“Kasi, isa ito sa mga bucket list ko at na-check-an na ito, finally.

“Happy 'yung heart ko kasi 'yung adrenaline rush na-enjoy ko habang nasa loob ng kotse.”

Panoorin ang chika ni Nelson Canlas:

LOOK: Klea Pineda sizzles in a bikini on beach getaway