Celebrity Life

Jennylyn Mercado, ipinakita ang kanyang gaming skills sa isang vlog

By Jansen Ramos

Bukod sa 'CoLove,' tampok rin sa YouTube Channel ni Ultimate Star Jennylyn Mercado ang segment na 'Jen Survives' kung saan sasabak siya sa ilang challenges na hindi pa niya nasusubukan.

Jennylyn Mercado

Para sa unang episode ng 'Jen Survives,' ipinapakita ng Love You Two star ang kanyang gaming skills sa pamamagitan ng paglalaro ng Counter-Strike: Global Offensive o CS GO.

Clueless si Jennylyn kung paano laruin ito kaya nagpaturo siya sa dalawang gamer na sina Joseph at Kai na nakilala niya sa isang cyber cafe.

Pumasa kaya ang RomCom Queen sa kanyang unang challenge?

Alamin sa vlog na ito:

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's "After All" cover reaches 1M views on YouTube