Celebrity Life

WATCH: Sino ang first celebrity tattoo client ni Jennylyn Mercado?

By Cara Emmeline Garcia

Naging first customer ni Jennylyn Mercado si Dennis Trillo nang maging tattoo artist siya for a day.

Jennylyn Mercado

Sa kanilang YouTube series na "Jen Survives," natutong magtinta ang StarStruck host sa tulong ng ilang tattoo artist at sa huli ay maghahanap siya ng random person na papayag magpa-tattoo sa kanya.

Subalit, walang pumayag sa Kapuso Ultimate Star kundi ang kanyang kasintahan.

"Nung una kasi dapat talaga maghahanap kami ng mata-tattoo-an na papayag," kuwento niya kay 24 Oras reporter Nelson Canlas.

"Nung time na 'yun sabi ko, 'Wala na talaga, Wala na talagang pag-asa 'yung challenge na ito kasi... wala useless! Nag-aral ako pero walang gustong magpa-tattoo.'

"Finally, nagprisinta si Dennis.

"Siguro dala ng awa na lang 'yun," patawang sambit niya.

WATCH: Jennylyn Mercado survives being a Zumba instructor for a day

Maingat na nilagyan ni Jennylyn ng tinta ang braso ni Dennis at umaming urong-sulong siya sa pagta-tattoo nito.

At nang tanungin kung gagawin niya muli ito, sagot ni Jennylyn, "Hindi ko na kayang ulitin siguro."

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

LOOK: Jennylyn Mercado's YouTube channel earns first 100K subscribers

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's "After All" cover reaches 1Million on YouTube