Celebrity Life

WATCH: Pinoy fans, may tribute para kay Kobe Bryant

By Dianara Alegre

Hindi man magkakakilala ay magkakaugnay naman sa “Mamba Mentality” ang Pinoy fans ng namayapang basketball legend na si Kobe Bryant.

Nitong Martes, nagtipun-tipon ang fans sa Cubao at Taguig para gunitain at bigyang-pugay ang LA Lakers superstar shooting guard.

Nagluksa ang buong mundo, matapos ang biglaan niyang pagpanaw nang masangkot sa isang helicopter crash sa Calabasas, California, kasama ang 13 taong gulang niyang anak na si Gianna Bryant, nitong Linggo, January 26.

Nitong Lunes, January 27, ay binuksan ang tribute wall ni Kobe sa Araneta City para sa lahat ng mga nagdadalamhati niyang fans.

Eksaktong 8:24 ng gabi ito binuksan bilang pag-alala sa jersey number na ginamit niya sa loob ng kanyang 20 taong career sa LA Lakers.

Samantala, isang mural naman nina Kobe at Gianna ang iginuhit ng fans sa basketball court ng Tenement housing sa Taguig City, na simbolo umano ng pagbibigay nila ng respeto, pagmamahal at pasasalamat sa mga nagawa ni Kobe hindi lamang sa mundo ng sports, kung 'di pati sa mundo ng sining at kanilang personal na buhay.

Panoorin kung paano binigyang-pugay ng Pinoy fans si Kobe dito:

WATCH: Kobe Bryant's legacy lives on

LOOK: Manny Pacquiao pays tribute to the great Kobe Bryant