Celebrity Life

WATCH: Bahay nina Rodjun Cruz and Dianne Medina, may gym at home theater

By Marah Ruiz

Sa pamamagitan ng isang vlog sa kanilang YouTube channel, ibinida ng bagong kasal na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ang kanilang bagong patayong three-floor marital home.

Bukod sa pagpapakita ng kanilang eleganteng sala, kitchen at pati master bedroom, ibinahagi din nila ang ilang pang espesyal na bahagi ng kanilang tahanan.

Sa pangatlong palapag kasi ng kanilang bahay, may mini gym na request daw talaga ni Rodjun.

"Sa house talaga, ito 'yung favorite spot ko dito dahil ngayon pwede na 'kong mag gym anytime. Paggising sa umaga or minsan kapag maaga natapos sa work or kahit gabi, pwede na 'kong mag workout. Bukod diyan, ang ganda pa ng view natin," pahayag ni Rodjun habang ipinapakita ang gym at kakabit nitong balkonahe.

May maliit na home theater din sa bahay ng mag-asawa na equipped ng surround sound kaya para talagang nasa sinehan.

Bukod dito, may shared walk-in closet din sila at garden na may pool.

Panoorin ang kanilang buong house tour dito:



Sina Rodjun at Dianne ang featured artists sa Artistakeover ngayong February 2020.

Rodjun Cruz and Dianne Medina are the featured artists for the Kapuso Month of February

WATCH: Dianne Medina and Rodjun Cruz vlog the day of their wedding