
May panibagong hobby na natuklasan si Magkaagaw star Sunshine Dizon ngayong taon at ito ay ang target shooting.
Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Sunshine ang ilan sa kanyang target shooting exercises na kitang-kita ang kanyang galing sa paghawak ng baril.
Aniya, “Happy to share that I found a new sport that I've fallen in just a short time.”
Dagdag pa ng batikang aktres, natuklasan niyang mas magaling ang kanyang aim tuwing ginagamit niya ang kanyang kaliwang kamay sa pagbaril kahit na right-handed siya sa totoong buhay.
“Surprisingly, I learned that I'm a lefty with guns. All my life I've been right-handed, but my auto-focus has always been my left eye.
“Notice in the first picture most of my shots would go lower right but when I switched to my left hand you can really see a very big improvement on my accuracy.
“By the way, both pictures on the right side are using my left hand and lower right is from my practice today.”
Pabirong pagtapos nito, “Naka baril baril na siya oy.”
Hindi lang si Sunshine ang nakadiskubre sa kanilang passion sa sport na ito dahil nakasama pala niya ang kanyang co-star na si Klea Pineda sa nasabing venue.
Ilang araw bago ibinahagi ng aktres ang kanyang mga resulta ay nag-post rin si Klea ng isang behind-the-scene photo ng kanyang target shooting practice.
Mapapanood sina Sunshine at Klea tuwing hapon sa Magkaagaw pagkatapos ng Eat Bulaga.
May nakaligtaan ka bang episode, Kapuso? Mapapanood na ang latest full episodes ng Magkaagaw sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.
WATCH: Klea Pineda sinubukan ang target shooting
Latest full episodes ng 'Magkaagaw' mapapanood na sa GMANetwork.com at sa GMA Network app!