Cherie Gil, ipinakita ang ani mula sa kanyang vegetable garden
Kabilang na si award-winning actress at Onanay star Cherie Gil sa sumubok sa backyard farming ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.
Nag-set up daw siya sa kanyang bakuran ng isang maliit na vegetable garden noong inanunsiyo ang lockdown sa Luzon.
Ngayon, masaya si Cherie dahil may ani na siyang ampalaya, talong, okra, romaine lettuce, arugula at bokchoi na maipagmamalaki.
"The veggie garden we set up soon after lockdown has began to sprout! Some already harvested from backyard to table! What an amazing feeling! Amapalya, talong, okra, mesclun, romaine, arugula, bokchoi," sulat niya sa kanyang Instagram account kalakip ng ilang litrato ng mga gulay mula sa kanyang vegetable garden.
Bukod kay Cherie, may mga backyard vegetable garden din ang ibang artista tulad nina Mylene Dizon at Cheska Kramer.