Celebrity Life

Angel Locsin mourns the death of her pet dog

By Jansen Ramos

Malungkot na ibinalita ni Angel Locsin ngayong Huwebes, May 14, na pumanaw na ang kanyang alagang aso, isang Bichon Frise na may pangalang Pwet Pwet, matapos makipaglaban sa sakit.

"Proud of you my perfect little fighter. You can rest now. Love you ALWAYS," sulat ng aktres sa kanyang Instagram post, kalakip ang sweet photos nila ni Pwet Pwet.


Ayon sa hiwalay na post ni Angel noong May 8, nakaranas ng kidney failure ang kanyang alagang aso.


Nagpahatid ng pakikiramay ang ilang kaibigan ni Angel sa showbiz tulad nina Bubbles Paraiso, Chito Miranda, Raymond Gutierrez, Danica Pingris, Jhong Hilario, Paolo Paraiso, at Boy2 Quizon.

Samantala, kinomfort naman si Angel ng kanyang fiance na si Niel Arce dahil sa pagpanaw ng kanilang fur baby.

"She's with Jesus now watching Over US always...," pahayag ni Neil.

Angel Locsin and Neil Arce test negative for COVID-19

Angel Locsin explains why she posts her charity works on social media

Ali Sotto, Angel Locsin remember Miko Sotto on his birthday